MEMO SA PAGPAPATUPAD NG ANTI MONEY LAUNDERING INILABAS NG MALACANANG

INILABAS ng Malacanang ang isang memorandum para sa pagpapatupad ng mga estratehiya sa anti-money laundering at counter-terrorism financing.

Ito ay sa ilalim ng Memorandum Circular No. 37 na naglalayong pabilisin ang pagpapairal nito.

Direktang inaatasan ng MC 37 ang Counter-Terrorism Financing at Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 saka nanawagan sa lahat ng concerned agencies na suportahan ang lahat ng pagsisikap labanan ang money laundering at terrorism financing.

“In accordance with their respective mandate, all concerned departments, agencies, bureaus, and instrumentalities of the National Government, including government-owned or –controlled corporations (GOCCs) are directed, and all the local government units (LGUs) are encouraged, to immediately and timely formulate and implement relevant strategies, plans and programs to implement NACS 2023-2027 [National AML/TF/CPF Strategy], particularly its Strategic Objective No. 1,” nakasaad sa MC37.

Ang sirkular ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kung saan inatasan ang lahat ng pinuno ng ahensiya na repasuhin at i- assess ang kanilang deliverables sa ilalim ng ICRG Action Plan, at magtakda ng focal persons para kumpletuhin ang deliverables hanggang November 30, 2023, at ma-establish ang mekanismo para sa monitor o update ng bawat deliverable.

Inatasan din ang National AML/CFT Coordinating Committee (NACC) Secretariat na i-furnish ang lahat ng concerned agencies ng deliverables at iba pang office targets sa ilalim ng International Co-operation Review Group (ICRG) Action Plans at iba pang relevant documents kasama na ang pertinent NACC resolutions.

Inaatasan din ang AMLC na mag-ulat sa office of the Executive Secretary sa pamamagitan ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, ng status of the implementation sa NACS 2023-2027, gaya ng Strategic Objective 1, o bago ang December 8, 2023. EVELYN QUIROZ