MEMORABLE VACATION

BAKASYON-5

(Ni CT SARIGUMBA)

MAKAPAGBAKASYON, iyan ang hiling o dasal ng marami sa atin. Sa kabila nga naman ng pagtatrabaho sa araw-araw, nag-aasam din ang maraming makarating sa ibang lugar upang makapag-relax at maka-bonding ang pamilya at mga kaibigan.

Bukod din sa pagdarasal ay gumagawa rin ng paraan ang marami para ma-achieve ang kanilang na nais makapagbakasyon.

At kapag nangyari na ang makarating o mapuntahan ang mga gustong lugar, kasunod naman nito ang kagustuhang maging memorable ang ginawang bakasyon.

Kaya naman, para maging memorable ang bakasyon o pagta-travel, narito ang ilang simpleng tips na dapat na isaalang-alang:

Bukod din sa pagdarasal ay gumagawa ng paraan ang marami para ma-achieve ang kanilang nais.

At kapag nangyari na ang mapuntahan ang mga gustong lugar, kasunod nito ang kagustuhang maging memorable ang ginawang bakasyon.

Kaya naman, para maging memorable ang bakasyon, narito ang ­ilang simpleng tips na puwedeng subukan o isaalang-alang:

PAG-USAPAN AT PAGPLANUHAN ANG GAGAWING BAKASYON

Gusto mong magbakasyon. Pero bukod pa roon, kailangang naiisip mo rin kung gusto mo bang mag-isa lang o may kasama.

Kung mag-isa ka lang, maaari ka rin namang mag-enjoy dahil nga sa wala kang iisipin kundi sarili mo lang. Magagawa mo rin ang lahat ng gusto mong gawin.

Masaya rin naman kung may kasama dahil may makakausap ka at hindi ka rin kakaba-kabahan sa pamamasyal.

Kung ang nais mo ay may kasama, pag-usapan at pagplanuhan ninyo ang gagawing pagbabakas­yon nang maging maayos ang lahat.

Mabuti rin kasi iyong napag-iisipan at napagpaplanuhang mabuti nang maihanda ang sarili, gayundin ang sapat na budget na in-yong kakailanganin.

ALAMIN ANG MGA ACTIVITY SA ­DARAYUHING LUGAR

Bago pa lang tayo magdesisyong mag-travel, may mga lugar na tayong gustong puntahan.

Bukod sa kagandahan ng lugar, mainam din kung aalamin ang mga activity na puwedeng subukan. Mas maganda iyong bukod sa pamamasyal ay may magawa kayo.

Gaya na lang ng hiking o camping.

O kahit na anong acitvity na makapagpapasaya sa inyo.

MAKIPAG-USAP SA MGA LOCAL

Huwag din tayong matakot na makipag-usap sa locals. Karamihan naman sa mga local ay mababait at palakaibigan.

Marami ring benepisyo ang pakikipag-usap sa local, isa na nga rito ay nagkakaroon ka ng panibagong kakilala at nalalaman mo ang kanilang kultura.

SUBUKAN ANG MGA PAGKAING KANILANG IPINAGMAMALAKI

May ibang takot kumain ng mga pagkaing bago sa panlasa at pani­ngin. Ngunit kung narating mo na ang isang lugar, sayang naman kung hindi mo titikman ang mga pagkaing kanilang ipinagmamalaki.

Huwag palampasin ang pagkakataon. Subukan ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng lugar o bansang pinuntahan

MAGSULAT NG TUNGKOL SA NAGING BAKASYON

Lagi naman tayong may magandang nasasabi sa lugar na ating pinuntahan. Lagi rin tayong may magagan­dang experience. At para lalo itong maging memorable, magsulat ka tungkol dito. Isulat mo ang kagandahan ng lugar. Kung ano ang na­ging experience mo roon at mga natutunan. Saglit man o matagalan ang gagawing bakas­yon, lagi’t la­ging may iniiwan itong magandang bagay o alaala sa atin. Kaya kung may pagkakataon, magbakasyon at sulitin ito.

Comments are closed.