MEMORIAL RIDE PARA KAY MOE

Moe Chulani

BILANG pagpupugay sa namayapang Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani, isang tribute ride ang isinagawa kahapon na nagsimula at nagtapos sa Tarlac Recreational Park sa San Jose, Tarlac.

Tinawag na “A Memorial Ride, A Ride for Moe”, ang okasyon ay nilahukan ng mga national rider, kasama sina Ronald Oranza, John Paul Morales, George Oconer at  Placido Valdez, at dinaluhan ng kapatid ni Moe na si Ravinder at ng mga opisyal at miyembro ng Ronda Pilipinas.

Pinangasiwaan ni Chulani bilang chairman ang Ronda Pilipinas na nilibot ang mga lalawigan, lungsod at bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao, tampok ang mga national rider mula sa iba’t ibang koponan.

“Moe was instrumental to the success of Ronda Pilipinas. His sacrifice and unwavering support to the annual cycling competition is above board and a living testament of his love and passion to cycling,” sabi ni Ronda Pilipinas organizer Dino Arneta.

Ang nasabing memorial ride ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng lokal na pamahalaan ng Tarlac. CLYDE MARIANO

Comments are closed.