MEN-OPPOSE

doc ed bien

Siguro kaya naimbento ang larong golf para may dahilan ang mga middle-aged na kalalakihan na ‘legal’ na takasan ang mga misis na nagme-menopause. That is, if one can afford golf. At kung makalulusot ka. The truth is, kahit ako hindi ko pa maintindihan kung bakit kailangan mong sundan-sundan ang bola matapos itong paluin papalayo sa iyo? Narito ang simple rules ng golf. And actually walang pinagkaiba sa laro ng mga bata na ‘jolens’.

Golf is a game in which a ball is struck with a club from a prepared area, known as the ‘teeing ground’, across fairway and rough to a 2nd prepared area, which has a hole in it, known as the ‘putting green’.

The object of the game is to complete what is known as a hole by playing a ball from the teeing ground into the hole on the putting green in the fewest possible number of strokes. A round of golf’ consists of playing 18 such holes. In short, paramihan ng maisu-shoot sa butas sa lupa sa pinakakaunting tirada. Jolens!

MGA BABAENG PINAGTAMPUHAN

Ng buwanang dalaw. Saklap naman. Hindi iyong mawalan ng monthly period ang pinagmamaktol ng mga kababaihan.

In fact, for many, welcome relief pa nga ito lalo na sa mga busy na carreer women at mga may dysmenorrhea.

MENOPAUSE-1Marami sa mga mag-asawa ang hindi maunawaan kung bakit nagiging Dr. Jekyl at Mrs. Hyde (base sa pelikulang mabait na doktor na nagiging monster) ang dati nilang pinakasalan?

Tanong #1: Papaano masasabi na menopausal na ang isang babae?

Sagot: Menopause na ang isang babae kapag lumipas na ang 1 taon at hindi na siya dinaratnan ng regla. Karaniwan itong sumasapit sa edad na 50 pataas, ngunit mas maaga sa iba.

Tanong #2: Bakit ba nangyayari ang menopause?

Sagot: Dumarating ang menopause stage kapag ang obaryo ng babae ay kaunti na lamang ang ginagawang estrogen (female hormone).

Tanong #3: Ano ang mga nararanasan ng babae kapag menopause na, maliban sa pagtigil ng menses?

Sagot: Kadalasan ay hot flashes, pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso, iritable, hirap sa pagtulog, depresyon, kawalan ng gana sa pakikipagsiping, panunuyo ng buong katawan mula buhok, balat hanggang sa puwerta.

Tanong #4: Gaano kadalas tumatagal ang hot flashes?

Sagot: Depende sa tao, na maaaring 30 secs to 15mins.

Tanong #5: Bakit apektado ang kanilang sex life?

Sagot: Dahil sa pagbaba ng level ng estrogen, nakararanas ng panga­ngati sa puwerta sanhi ng panunuyo dahil hindi na masyadong nakagagawa ng natural vaginal lubricant. Hindi ito kompor­table at nagiging masakit na ang pakikipagtalik.

Tanong #6: Gaano katagal mararanasan ang menopausal symptoms?

Sagot: Muli, depende sa tao na maaaring tu­magal hanggang 4 to 5 years.

Tanong #7: Paano mako-confirm sa lab test ang stage na ito?

Sagot: May mga blood test para masukat ang lebel ng FSH at estrogen sa katawan.

PROBLEMA NG MENOPAUSE

MENOPAUSE-2Ang pagkawala ng estrogen, isang protective hormone sa mga kababaihan, ay naiuugnay sa maraming health problems na karaniwan sa mga nagkakaedad na babae:

  • Sakit sa puso o pagtaas ng presyon
  • Osteoporosis o pagnipis ng buto
  • Fractures o madaling pagkabali ng buto
  • Arthritis o pananakit ng joints
  • Constipation o hirap sa pagdumi
  • Uncontrolled bladder o madals na pag-ihi
  • Panghihina ng muscles
  • Pagbigat ng timbang
  • Pag-iiba ng hugis ng katawan
  • Anxiety o pagiging nerbiyosa
  • Depresyon at madalas na pag-iyak

MGA PAYO AT SOLUSYON

Huwag po kayong mag-alala at lilipas din ang mga sintomas na iyan. Ang mahalaga ay maiwasan ang kompli­kasyon ng kawalan ng estrogen. At hindi lang naman kayo ang makararanas ng stage na ito, dahil ang mga mister ay may andropause rin. Para sa mga may hot flashes, maipapayo ang pag-inom ng mara­ming tubig at juice kada oras kahit hindi nakararamdam ng uhaw. Piliin ang cotton na mga damit at magpagupit ng mas maikli. Hindi n’yo ba napupuna na habang tumatanda ang mga babaeng artista ay paikli nang paikli ang buhok? Sa mga hirap matulog, iwasan ang pag-inom ng higit sa isang tasang kape maghapon. Subukan ang isang kupitang red wine sa gabi – masarap na ang tulog mo, proteksiyon pa sa puso. Mag-enroll sa gym para mapilitang mag-ehersisyo upang lumakas ang muscles, tumibay ang buto at maiwasan ang pagbilog ng katawan. Nakapagpapabuti rin ito ng mood para hindi kayo nag-aasal halimaw sa bahay na siyang dahilan kaya naiihi na si mister sa kaniyang salawal!

*Quotes

“Golf and sex are about the only things you can enjoy without being good at.”

– Jimmy Demaret, professional golfer

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusu­gang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.