MAHIGPIT pa ring ipatutupad sa Navotas City ang kautusan na bawal pa rin lumabas ang mga nasa menor de edad kahit na nilagay na sa alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga ang curfew.
Una nang inaprubahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-09 na nagbabago sa curfew hours para sa mga nasa hustong gulang mula 8 p.m.-5 a.m. na ngayon ay 10 p.m. hanggang 5 a.m. na at nananatiling nakataas ang 24-hour curfew para sa mga menor-de-edad upang mapanatili silang ligtas mula sa banta ng COVID-19.
“Nag-iingat po tayo sa pagluwag ng ating mga polisiya dahil ayaw nating lumobo ang ating mga kaso.
Ayaw rin nating bumalik pa sa mas mahigpit na quarantine rules. Nais natin ng unti-unti ngunit patuloy na pagluluwag ng mga alituntuning batay sa mga datos ng mga kaso,” auon kay Tiangco.
Bago ito, pinayagan ng Pamahalaang Lungsod ang mga pamilihan sa siyudad na magbukas sa araw ng Linggo basta’t lingguhang magsasagawa ng general cleaning at disinfection at susunod sa iba pang afety protocols.
“Our city’s COVID situation is getting better that is why we can afford to relax some of our policies. We are grateful for the support and cooperation of everyone, especially our frontliners. As we prepare for our vaccination rollout, we call on each and every Navoteño to remain careful and to follow our safety measures,” dagdag ng alkalde.
Hinimok din ang mga residente at naghahanapbuhay sa lungsod na 18-taong-gulang pataas na magrehistro sa COVID-19 vaccination program ng lungsod sa pamamagitan ng pagla-log on sa https://covax.navotas.gov.ph/ o pagbisita sa kanilang barangay para tulungan silang makapagpatala.
Samantala, isa ang namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod nitong Pebrero 1 habang dalawa ang nagpositibo at tatlo naman ang gumaling. VICK TANES
Comments are closed.