MEN’S SINGLES GOLD KAY BIGORNIA

BIGORNIA.jpg

TINULDUKAN ni Reymark Bigornia ang kanyang improbable run sa 5th Southeast Asian Cup Squash Championships noong Miyerkoles ng gabi sa pamamagitan ng 8-11, 11-8, 11-5, 9-11, 11-9 panalo laban kay Benedict Chan ng ­Singapore sa men’s singles finals sa Kerry Sports courts sa loob ng Shangri-la Hotel sa Taguig City.

Sa mainitang laban sa deciding fifth at final set, bumigay si Chan sa tatlong sunod na mid-game errors na sinamantala ni Begornia tungo sa pagkopo ng gold medal makalipas ang 61 minuto sa torneong inorganisa ng Philippine Squash Aca­demy.

Ito ang unang major international title para sa lanky 5-foot-11 racket-wielder, na nakumpleto ang four-match sweep na nagbigay sa hosts  ng kanilang unang ginto sa six-nation competition na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ng MVP Sports Foundation.

Bumangon si Noor Ainaa Amanti Binti Amani Binti Ampandi  mula sa first-set deficit upang pataubin si Sneha Sivakumar ng Singapore, 6-11, 117, 11-9, 11-6, at kunin ang women’s gold medal sa torneo.

“I just kept my patience, especially in the fifth set. Medyo magulang po ang kalaban pero pagod na rin siya,” wika ni Begornia matapos ang pinaghirapang panalo.

“This is a great win for Macmac (Begornia’s nickname).  He was all effort and all heart and truly deserves the victory,” sabi ni national coach Manu Yam. “He played a calculating game but was also willing to take risks, which paid off.”

Ang Filipinas ay nasa Group A, kasama ang Thailand at Indonesia, habang ang Group B ay binubuo ng Singapore, Malaysia at Brunei, kung saan ang top two squads sa bawat grupo ay aabante sa crossover semis ngayon.