Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day.
Sinabi ng Pangulo na nagbibigay-pugay ang buong sambayanan sa dating senador na nagbigay ng malaking impact sa pamamahala at nag-angat sa maraming buhay ng mga Filipino.
Ayon pa sa Pangulo, importante ngayong may pandemya na tularan ang ipinamalas na tapang ni Ninoy.
Bukod aniya sa tapang ay dapat ding mapulot ng bawat Filipino ang ipinamalas nitong pagiging makabayan dahil sa ganitong paraan ay magiging bayani rin ang bawat isa sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo.
Samantala, humihingi naman ang Pangulo ng kooperasyon at pakikipagtulungan sa bawat isa na maibahagi ang anomang maaaring ibigay sa mga kapus-palad lalo na sa panahon ngayong may pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Comments are closed.