MENSAHE NI POPE SA EASTER SUNDAY: SOBRANG YAMAN ‘WAG HANGARIN

SANTO PAPA

HINIKAYAT ng Santo Papa ang publiko na paglabanan ang pa­ngungutya at ang paghahangad sa kayamanan kasabay ng paggunita sa Pasko ng Pagkabuhay.

Paalala ng Santo Papa, huwag ibaon ang pag-asa sa buhay at iwaksi sa isipan na ang kamatayan ay mas malakas kaysa sa pagkabuhay.

Ang araw aniya ng pagkabuhay ay araw ng kagalakan at pag-asa.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na hanapin ang tunay na daan tungo sa kaligtasan at huwag maghangad ng sobra-sobrang yaman, saril-ing kaaliwan at kahambugan.       DWIZ882

CARDINAL TAGLE: KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG TUKLASIN

Hinikayat  naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampa­lataya na tuklasin ang kapangyarihan ng pag-ibig na ipinamalas ni Kristo.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa mga Katoliko sa pinangunahang banal na misa nitong Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

“Tuklasin natin ang kapangyarihan ng pag-ibig na ipinamalas ng muling nabuhay na si Kristo,” panawagan pa ni Tagle.

Sinabi ng Cardinal na sa gitna nang kagutuman, kawalan ng hanapbuhay, adiksiyon, galit, pang-aabuso, maling akusasyon, korupsiyon, human traf-ficking, at mga pagpatay, mistulang naglaho na ang pag-ibig sa mundo.

Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng paniniwala ang cardinal na mayroon pa ring natitirang kabutihan sa puso ng sangkatauhan, na maaaring magamit upang labanan ang mga maling gawi.

“Tila nawawala na at hindi na madama ngayon ang pag-ibig sa mundo, dahil sa lumalaganap na mga suliranin tulad ng kagutuman, kawalan ng han-apbuhay, pagkalulong sa masamang bisyo, labis na pagkamuhi, pang-aabuso, maling pagpaparatang, korupsiyon, human-trafficking at pagpatay,” ayon kay Tagle.

“What difference can one act of kindness make in the face of unrelenting evil? It can make all the difference in ways we can’t even imagine, how be-cause these small acts of care and love are crowned by the total self-giving of Christ crucified on the cross,” aniya pa.

Hinikayat din ni Tagle ang lahat ng Kristiyano na ibahagi sa kapwa at sangkatauhan ang pagmamahal ni Kristo, partikular na sa mga taong may karamdaman at mahihirap.

Ipinaliwanag ni Tagle na tinawag tayong mga Kristiyano upang maki­salamuha sa iba at maglakbay kasama sila ng may pagpapakumbaba, walang panghuhusga, at walang pagpapanggap na hawak natin ang sagot sa lahat ng kanilang problema.

“It is through these encounters that our hearts are opened and presented with a new horizon and a renewed energy to move forward. It is through these encounters of love and caring that persons, families and communities are transformed from prisoners of despair into bearers of hope,” aniya.

Kaugnay nito, ni­linaw rin ng Cardinal na hindi kailangang enggrande ang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus.

“Ang atin pong pagdiriwang ng muling pag­kabuhay ni Hesus ay hindi kailangang enggrande, hindi kailangang magha­nap ng malalaki agad na so-lusyon, ikaw sa iyong munting pamamaraan, maging makatotohanan, maging makatarungan, maging mapagmahal, maging magalang, ma­ging tunay na tao, tunay na Filipino, tunay na Kristiyano, kahit ‘yan ay sa maliit na bagay ikaw ang muling pagkabuhay ni Kristo sa ating mundo. Ikaw nawa ang mag-ing celebration ng Easter,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

MENSAHE NI DUTERTE

HINIMOK  ng Pangulong Rodrigo Duterte  ang mga Filipino na ituring na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay upang pag-alabin ang pangako para sa ikauunlad ng bansa, partikular na  sa pagpili ng iboboto sa halalan sa Mayo.

Nanawagan din ang Pangulo na piliin ang makabubuti at makakapagpalakas upang makamit ang kapayapaan.

Ayon sa Pangulo, nagtitiwala siya sa panahon na ito na muling ibalik ang pangako sa pagbuo sa bansa lalo na sa darating na midterm elections.

Nawa umano ay maging matibay ang integridad at lumitaw ang totoong nais ng mga tao.

Comments are closed.