Mental Health and Psychosocial Support dapat ibigay sa mga learners

KAPAG  sinabing Mental health and psychosocial support (MHPSS), kasama dyan ang kahit anong suportang matatanggap ng esytudyante para protektahan ang kanilang mental health and psychosocial wellbeing. Isa sa mahalagang component nito ay ang paggamot at prebensyon ng psychiatric disorders tulad ng depresyon, anxiety at post-traumatic stress disorder (PTSD). Aminin man natin o hindi, nakaka-stress talagang mag-aral lalo na kung naghahabol ka ng mataas na grade o kaya naman ay babagsakin ang grades mo.

Kapag nai-stress na ang estudyante, kailangan niya ng Psychosocial Support Activities. Ang mga aktibidades na ito ay nakatutulong sa mga bata na maka- establish ng healthy routines, makisalamuha sa kapwa estudyante, at makaagapay sa hamon ng pag-aaral. Halimbawa ng recreational and educational activities ay pagkakaroon ng child friendly spaces na ligtas tambayan o paglaruan. Pwede ring turuan sila ng iba pang activities tulad ng pagsasayaw, pagkanta, paggigitara, o kahit ano pang hilig nila – pampaalis ng stress sa masungit na titser.

Dito sa school naming sa Utah, me hotline para sa mga estudyanteng gusto lamang ng kausap o yung makikinig lamang sa mga reklamo niya bilang estudyante. Minsan naman kasi, kailangan lang natin ang makikinig, hindi ang payo nila.

Alam nating kasama sa mental health an gating emotional, psychological, and social well-being. Nakakaapekto ito sa ating pag-iisip, sa ating nararamdaman, sa ating pagkilos. Kung maayos an gating mental health, kinakaya natin ang stress, nakaka-relate tayo sa iba, at nakakapagdesisyon tayo ng maayos. Napakahalaga nito lalo na sa mga lumalaking kabataan dahil madadala nila ito hanggang pagtanda.

Napakahalaga ng psychosocial support activities upang i-promote, protektahan at unahin ang socio-emotional well-being ng bata. Kaya naman sinumulan ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) sa may 1000 mag-aaral sa Masbate bilang pilot study. Sila ay apektado ng armed conflict.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) Director Atty. Christian E. Rivero, kailangang kailangan na talagang respondehan ang ganitong sitwasyon. Dapat mabigyan ng safe environment ang mga teacher at estudyante para ,akapag-aral sila ng maayos.RCLNB