HINIMOK ni House Committee on Health Vice Chairperson at AnaKalusugan Party-list Rep. Ray T. Reyes ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na bigyang prayoridad ang pagsasailalim sa kaukulang mental health training ng mga opisyal at tauhan nito.
Pagbibigay-diin ng neophyte party-list lawmaker, sa pamamagitan ng nabanggit na kasanayan, magkakaroon ng sapat na kaalaman at kaparaanan ang PNP personnel para sa mas epektibong pagtugon nila sa isang ‘crisis situation’.
“This will not only improve the safety of our communities but also prevent unnecessary harm to individuals who may be experiencing mental health issues,” sabi ni Reyes.
“Being able to assess the situation effectively can help our uniformed personnel make informed decisions whatever situation they may be in, at any given time,” dagdag pa ng kongresista.
Ayon kay Reyes, sa pamamagitan ng mental health training, ang mga opisyal at tauhan ng PNP ay magkakaroon ng kakayahan na harapin ang mental at emotional challenges na kaakibat ng pagganap nila sa tungkulin.
“Alam naman natin ho na hindi biro ang trabaho ng ating mga pulis. Araw-araw, hindi nawawala ang banta sa inyong buhay at panganib. Kailangan rin po ay ingatan natin lagi ang mental well-being ng ating mga tagaligtas,” giit pa kongresista. ROMER R. BUTUYAN