INILATAG ng DOH Center for Health Development-Calabarzon ang ikalawang batch na workshop ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) para sa mga pampublikong guro, health workers at Persons with Disabilities (PWDs) na isinagawa nitong Abril 5 hanggang 8.
Ayon kay DOH Regional Director Ariel Valencia, ang apat na araw na workshop na mental health training ay mahalaga sa kalusugan ng komunidad sa oras ng emergencies at disasters.
Maging ang mga guro, health workers at PWDs ay makakukuha ng kaalaman kaugnay sa common mental health condition ng isang apektado nito na kung saan ay mabilis na matutulungan kapag na-identify ang individual na nakararanas mental health conditions bago pa humanap ng tulong sa isang professional.
” The MHPSS aims to provide proper mental health interventions by reducing levels of psychological stress, improving daily functions, and ensuring effective coping mechanisms to the affected population” dagdag pa ni Valencia.
Nabatid din na ang pangunahing layunin ng mental health workshop na magkaroon ng sapat na kaalaman sa practical communication skills, basic steps and knowledge of psychological first aid (PFA), phases of psychosocial processing/stress defbriefing, promotion of mental health at proper referral to specialized MHPSS services.
Sumailalim din sa practicum ang mga lumahok na mga guro, health workers at PWDs kaugnay sa iba’t ibang settings at stress debriefing sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Napag-alaman kay Paulina A. Calo, regional Mental Health Outcome Manager na ang mga trained participants ay mapapasama sa talaan ng mental health respondents para makapagbigay ng psychosocial care intervention sa komunidad.
Magugunita na ang regional office ay nakapagdaos na rin ng first MHPSS training nitong Marso habang isusunod naman ang 3rd batch ng workshop ng MHPSS sa Abril 26- 29. MHAR BASCO