Pinasinayaan kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas modernong Malinta Substation sa lungsod ng Valenzuela upang lalong mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lugar.
Bahagi ng proyektong nagkakahalaga ng P170.81 milyon ang modernong indoor-type double bus configuration Gas-Insulated Switchgear (GIS) na pumalit sa lumang 115 kilovolts (kV) conventional single bus switchyard ng substation. Makakatulong ito upang maiwasan ang matagal na pagkawala ng kuryente na tiyak na mapapakinabangan ng mga customer sa Valenzuela at Malabon.
Aktibong namumuhunan ang Meralco sa pagpapalakas ng distribution system nito para matiyak ang paghahatid ng ligtas, maaasahan, at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga komunidad na pinagsisilbihan nito.