Tuluy-tuloy ang ginawang restoration activities ng mga crew at tauhan ng Meralco para maibalik ang kuryente sa mahigit 566,000 na customer na nakaranas ng pagkaantala ng serbisyo sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa pagpasok ng isa na namang bagyo sa Philippine Area of Responsibility, patuloy ang pagbabantay ng Meralco at pagsiguro ng kahandaan nitong tumugon sa mga alalahanin ng mga customer 24/7.