MERALCO INILUNSAD ANG POWERPLANTS URBAN FARM

Makikita sa larawan sina Meralco Facilities Maintenance Lead ­Carlito L. Dela Cruz, ­Meralco SVP at Chief Revenue Officer ­Ferdinand O. Geluz, Meralco FVP at Chief ­Sustainability ­Officer Raymond B. Ravelo, Meralco Chief Corporate Social Responsibility Officer at One Meralco Foundation President Jeffrey O. Tarayao, Meralco SVP at Chief Audit Executive Melanie T. Oteyza, Meralco ­Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, Meralco SVP at Chief HR Officer ­Edgardo V. Carasig, Meralco SVP and Head of Networks Froilan J. Savet, ­Meralco FVP and Head of Customer Retail Services Charina P. ­Padua, Meralco VP at Head of Supply Chain Management Glen N. San Pedro kasama ang mga manlalaro ng Meralco Bolts, ­Meralco VP at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, at Meralco VP and Head of Facilities and Safety Management Jerry B. Lao.

BILANG pakikiisa sa pangkalahatang ­tungkuling ­pangalagaan ang ­kalikasan, inilunsad ­kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) ang “PowerPlants” urban farm sa headquarters nito sa lungsod ng Pasig.

Tampok ang iba’t-ibang uri ng gulay at prutas gaya ng pechay, okra, kangkong, talong, saging, papaya, calamansi at iba pa, ang PowerPlants urban farm ay may lawak na 300 square meters at inaalagaan ng mga em­pleyado ng Meralco.

Sa unang 100 araw pa lamang ng urban farm, nakapag-ani na ng mahigit 100 kilong gulay at prutas na ipinamahagi rin ng lib­re sa mga empleyado ng Meralco parikular sa mga miyembro ng mga security at maintenance team na sila ring nangunguna sa pangangalaga ng PowerPlants.

Mayroon na ring urban farms ang Meralco sa Manila Sector Office at Novaliches Business Center nito.

Binigyang diin ni Me­ralco Chairman at Chief ­Executive Officer ­Manuel V. Pangilinan ang mga kontribusyon ng distribution utility sa pagsu­sulong ng sustainability.

Ayon kay Meralco First Vice President at Chief Sustainabi­lity Officer Raymond B. Ravelo, ang PowerPlants ay isa sa mga inisyatiba sa ilalim ng “­Powering the Good Life”, ang sustainabi­lity agenda ng One Meralco na naaayon sa United Nations Sustainable Development Goals.

Sa pamamagitan ng pagtatanim sa urban farm, nabi­bigyan ng oportunidad ang mga empleyado na makiisa sa pangalagaan ang kalikasan.

Upang lalo pang isulong ang sustainability, mga recyclable na materyales din ang ginamit sa PowerPlants. Matatagpuan dito ang mga sirang electric meter at mga plastik na bote na muling pinakinabangan bilang mga paso.

PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Mismong si Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pangi­linan ang nakaisip na magkaroon ng urban farm sa loob ng pasilidad ng kumpanya.

Ang PowerPlants urban farm ay bahagi ng pagsusulong ng Meralco ­pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng urban farming.

Aniya, bukod sa paghahatid ng maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga customer, prayoridad din ng Meralco ang pangangalaga ng kalikasan.

Sa paglulunsad ng PowerPlants, nakiisa si Pangilinan sa pagtatanim ng mga punla at pag-aani ng mga sariwang ­gulay kasama ng iba pang lider ng Meralco at mga miyembro ng Meralco Bolts.

BAYANIHAN PARA SA KINABUKASAN

Hinikayat din ng mga lider ng Meralco ang aktibong pakikibahagi ng mga empleyado ng kumpanya sa pangangalaga ng PowerPlants lalo na at marami itong hatid na benepisyo sa kanilang pisikal at mental na kalusugan.

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Facilities and Safety Management Jerry B. Lao, libreng bumisita ang mga empleyado sa urban farm. Maaari rin silang makibahagi sa mga planting activity sa urban farm.

Isang maintenance personnel ang umaani ng ­petchay mula sa PowerPlants urban farm.

Sa diwa ng bayanihan, hinihikayat ng kumpanya ang mga empleyado nito na tumulong sa pagpapanatili nito, sa pamamagitan ng pagtatanim sa urban farm at pagdo-donate ng mga punla sa One Meralco Foundation (OMF).

Bukod dito, maari ring magbigay ng tulong pinansyal ang mga empleyado sa pamamagitan ng OMF upang suportahan ang operasyon ng urban farm.

Isa sa mga nakikinabang sa urban farm si Jhay Bonsol, isang hardinero mula sa Miescor ­Logistics Inc., isang subsidiary ng Meralco.

Aniya, malaki ang natitipid niya sa gastos sa pagkain dahil sa ani ng urban farm na ipinamamahagi sa kanila.

“Nakatitipid ako ng halos P200 sa isang araw dahil sa mga pananim na inaani ko mula sa farm,” aniya.

Layunin ng Meralco na palawakin pa ang PowerPlants sa pa­mamagitan ng pagtatayo ng mas maraming urban farm sa mga sector offices at business centers nito bilang bahagi ng adhikain nito na isulong ang isang sustai­nable na kinabukasan para sa lahat.