MERALCO KINORYENTE ANG ‘RAIN’

meralco

Mga laro sa Miyerkoles:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs Phoenix

7 p.m. – San Miguel vs NorthPort

With three playoff spots remaining, Meralco is currently trailing San Miguel (4-4), NLEX (4-5), and TNT (4-5).

 

NANATILI sa kontensiyon ang Meralco makaraang gapiin ang Rain or Shine, 91-82, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Matapos ang anim na sunod na kabiguan, ang Bolts ay mayroon na ngayong tatlong sunod na panalo upang umakyat sa ika-9 na puwesto na may 4-6 kartada.

May tatlong  playoff spots ang nala­labi, ang Meralco ay kasalukuyang naghahabol sa San Miguel (4-4), NLEX (4-5) at TNT (4-5).

Nagbuhos si Allen Durham ng game-highs na 19 points at 20 rebounds habang limang iba pa ang nagtala ng double-digits para sa Bolts,  sa pangunguna ni Mike Tolomia na kumamada ng 17 points.

“Mike Tolomia came off the bench and gave us a big lift today,” wika ni Me­ralco coach Norman Black.

Gumawa sina Tolomia at Durham ng tig-7 points sa fourth quarter kung saan kumawala ang Meralco mula sa dikit na laban makaraang bumanat ng 14-3 run, tampok ang jumper ni Cliff Hodge na naglagay sa talaan sa  88-77, may 2:31 ang nalalabi.

Nagtala si  Hodge ng double-double na may 14 points at 11 rebounds.

Nanguna si Norbert Torres para sa Elasto Painters (2-6)  na may 16 points habang nagdagdag si Terrence Watson ng 14 points at 13 rebounds.

Iskor:

Meralco (91) – Durham 19, Tolomia 17, Hodge 14, Newsome 12, Caram 11, Hugnatan 10, Salva 4, Amer 2, Jamito 2, Ballesteros 0.

Rain or Shine (82) – Torres 16, Watson 14, Nambatac 13, Daquioag 10, Ponferada 7, Ahanmisi 7, Yap 7, Nor-wood 6, Borboran 2.

QS: 19-19, 44-43, 65-65, 91-82.

Comments are closed.