MERALCO MAS PINAIGTING ANG SERBISYO SA PASAY CITY

Ang Meralco (Manila Electric Company), na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, ay nagkabit kamakailan ng bagong 115 kilovolts (kV) na linya na may habang 2.1 kilometro. Layunin nito na lalong pagbutihin at palakasin ang 115 kV sub-transmission system nito sa lungsod ng Pasay.

Ang PAGCOR 1-CBP1A 115 kV line na ito ay nakaabang para siguraduhing may maayos na serbisyo ng kuryente ang inaasahang karagdagang customers sa Aseana City.

Nagkakahalagang P 249.01 milyon ang proyektong ito, na nagsisilbing paghahanda para sa koneksyon ng ASEANA-1 gas insulated switchgear substation sa PAGCOR 1- Metpark 115 kV Line.

Patuloy ang pamumuhunan ng Meralco upang palakasin ang distribution system nito upang matiyak ang paghahatid ng ligtas, maaasahan at tuluy-tuloy na sa serbisyo ng kuryente sa mga komunidad na pinagsisilbihan nito.