HABANG patuloy ang paghahatid ng maaasahang serbisyo ng kuryente, nagpamalas rin ang Manila Electric Co. (Meralco) ng husay at galing sa larangan ng komunikasyon na bahagi ng adbokasiya nitong masigurong tama at malinaw ang mga impormasyong natatanggap ng mga empleyado, customers at iba pang stakeholders.
Sa kakatapos lamang na 57th Anvil Awards, ginawaran ng Silver Anvil ang programang #AyokoMagViral: A Meralco internal campaign against COVID-19. Ang nasabing entry ay isa sa mga inisyatiba ng kumpanya na nagpapatunay sa dedikasyon nitong makiisa sa pambansang layuning mapababa ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
“As we continue to fight the COVID-19 pandemic, it is very critical that we empower key stakeholders to fight the spread of the virus by keeping them properly informed. Our employees play a vital and crucial role in ensuring our success in this endeavor,” pahayag ni Meralco VP at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga.
Ginawaran naman ng Gold Anvil ang Power On: Meralco 2020 Annual Report dahil sa malikhain at mahusay nitong paglalahad ng mga inisyatiba ng Meralco kaugnay ng patuloy na pagtupad ng kumpanya sa tungkulin nitong maghatid ng maaasahang serbisyo ng kuryente sa pamamagitan ng mga solusyong digital na sumisigiro ng katatagan ng mga system nito sa kabila ng iba’t ibang pagsubok lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“These Anvil wins are manifestations of Meralco’s commitment to purposeful and meaningful communications that is called for during this challenging time,” dagdag ni Zaldarriaga.
Kabilang din sa ginawaran ng Silver Anvil ang entry ng kumpanyang Give Hope: 2020 One Meralco Foundation Annual Report. Bukod sa paglalathala ng mga matagumpay na programa ng One Meralco Foundation (OMF), ipinakita rin ng nasabing entry kung paano nakatulong ang mga adbokasiya nito sa iba’t ibang komunidad sa mga lugar sa loob at labas ng prangkisa ng Meralco.
Ang kampanya ng Meralco na Meralco: Providing Consumers the Power During Summer ay nakatanggap din ng Silver Anvil. Naging layunin ng nasabing kampanya ang magbigay ng impormasyon sa mga customer at stakeholder ng Meralco kung paano maaaring makatipid sa konsumo ng kuryente sa mga kritikal na buwan ng tag-init.
Silver Anvil din ang nakamit ng Live Life: 2020 Meralco Sustainability Report na malinaw na naglathala ng mga hakbang, programa at inisyatiba na nagsusulong ng apat na haligi ng sustainability agenda ng kumpanya – ang Power, Planet, People, Prosperity.
Ang mga gantimpalang nakamit ng Meralco sa ginanap na 57th Anvil Awards ay patunay sa dedikasyon ng kumpanya na makapaghatid ng mga makabuluhang programa at inisyatiba alinsunod sa mga adbokasiya nito gamit ang kahusayan sa larangan ng komunikasyon. Ang malinaw at epektibong komunikasyon ay kinakailangan upang masiguro na ang kahalagahan ng mga programa at serbisyo ng Meralco ay naiintindihan ng mga customer at stakeholder nito.
Ang Anvil Awards ay isang taunang kaganapan na pinangungunahan ng Public Relations Society of the Philippines. Layunin nitong bigyang pagkilala at parangal ang mga dekalidad at epektibong programa base sa pamantayan ng public relations (PR) sa bansa. Ito ang tinaguriang “Oscars” ng industriya ng PR sa Pilipinas.