INANUNSIYO ng Meralco kamakailan na nagkaroon ng kaunting pagtaas sa power rates para sa Agosto ng P0.0265 per kWh hanggang P10.2190 per kWh dahil umakyat din ang generation charge sa supply noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) kahapon na ang kaunting pagtaas sa overall electricity rates ngayong buwan ay magreresulta sa pagakyat ng nasa P5 sa power bills ng isang tipikal na sambahayan na kumukonsumo ng 200kWh.
Ang generation charge, na siyang sumasakop sa pinakamalaking bill ay tumaas ng P5.3491 per kWh mula sa P5.2651 per kWh.
Ang dagdag ay resulta ng P0.6554 per kWh na pagtaas sa cost of power mula sa Power Supply Agreements (PSAs) dala ng mababang average plant dispatch at higher fuel prices. Ang bahagi ng pagbili ng PSA sa total requirement ng Meralco ngayong buwan ay nasa 43%.
Samantala, bumaba ang charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P1.1021 per kWh sa pagkawala ng Yellow Alerts sa Luzon grid ngayong buwan. Sa kabila ng mataas na natural na presyo ng gas ng Malampaya bilang resulta ng quarterly repricing na nag-reflect sa galaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, ang halaga ng power mula sa Independent Power Producers (IPPs) na bumaba ng P0.1690 per kWh dahil sa pagbabago ng average plant dispatch.
Nagbigay ng 58% ang power plants na gumagamit ng Malampaya natural gas ng supply ng Meralco.
Ang share ng WESM at IPPs purchases sa total na pangangailangan ng Meralco ngayong buwan ay 12% at 45%, ayon sa pagkakasunod.
Bumaba ang transmission charge ng residential customers ng P0.0803 per kWh dahil sa mababang NGCP Ancillary Service charges. Samantala, ang buwis at iba pang charges ay umakyat ng P0.0228 per kWh ngayong buwan.
Nananatiling walang pagbabago ang distribusyon ng Meralco, supply, at metering charges, sa loob ng 37 buwan, matapos na ito ay magrehistro ng pagbabawas noong Hulyo 2015. Inulit ng Meralco na hindi sila kumikita sa pass-through charges, tulad ng generation at transmission charges. Ang bayad sa generation charge ay napupunta sa power suppliers, habang ang bayad para sa transmission charge ay napupunta sa NGCP. Ang buwis at iba pang public policy charges tulad ng FIT-All rate ay ibinabalik sa gobyerno. LENIE LECTURA
Comments are closed.