MERALCO NAGHAHANDA SA PAGTAAS NG POWER DE-MAND SA MAYO

MERALCO-2

SA GITNA ng pagnipis ng power supply reserves, sinabi ng Manila Electric Co. (Meralco), na malamang na mas lalong tumaas ang demand ng mga konsyumer para sa koryente ngayong Mayo.

“Historically, demand for power in Luzon is highest during May,” ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Dahil sa mataas na temperatura tuwing summer  months, sinabi ng Meralco official na inaasahang tataas ang demand ng 15 por-siyento.

“We plan around this time to ensure adequate and reliable distribution service to our customers,” ani Zaldarriaga.

“At the same time, we reiterate our appeal to our customers, both households and businesses, to be extra mindful of their use of electricity and make the efficient use of power a way of life,” aniya.

Inilagay na ang Luzon power grid sa ilalim ng red at yellow alert ng ilang beses ngayong buwan, na nagresulta sa rotational brownouts sa ilang lugar, dahil sa sapi­litan at hindi nakaplanong outages ng ilang power plants.

Dahil sa plant outages, nagbunsod ito sa senado para magkaroon ng imbestigasyon.

Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian ang  posibleng collusion sa mga power producers para makaimpluwensiya ng electricity spot prices.

Comments are closed.