MERALCO NAGLIWANAG

Bolts

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Columbian vs San Miguel

6:45 p.m. – Magnolia vs Ginebra

NAIBALIK ng Me­ralco ang kanilang winning form makaraang gapiin ang Blackwater, 106-97, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Hindi naging madali ang panalo ng Bolts kung saan kumayod nang husto sina import Justin Durham, Kier John Guinto, Chris Newsome, Baser Amer at John Pinto sa fourth period upang makabawi sa pagkatalo sa sister team Talk ‘N Text.

Kumana si import Allen Durham ng near triple-double performance na 27 points, 13 rebounds, 7 assists, at 2 blocks nang bumalikwas ang Bolts at uma­ngat sa 4-2 kartada para sa solo 4th place.

Nag-ambag si Raymond Almazan ng 19 points at 10 rebounds, habang gumawa si Baser Amer ng 17 points, kabilang ang 5 points sa huling dalawang minuto na nagselyo sa panalo ng Meralco.

“Kailangan na­ming mag-step up para manalo. Nagtulong-tulong kami sa opensa at masaya ako’t nanalo kami,” sabi ni Almazan.

Nagbanta ang Blackwater sa 88-96 subalit nagmitagas ang Meralco at kumamada ng 10-3 run, kabilang ang tig-dalawang tres mula kina  Amer at Guinto, at kinontrol ni Durham si dating Magnolia import Marcus Blakely upang mapangalagaan ang kalama­ngan.

Lumaban ang Blackwater sa pinagsanib na puwersa nina Michael Vincent DiGregorio, Bobby Ray Parks Jr., Mac Belo, Allein Maliksi, Roi Sumang at Filipino-Arab Rabbi Al-Husseini ngunit kinapos ang Elite.

Ang walang siglang laro ni Blakely ang isa sa mga dahilan ng  pagkatalo ng Blackwater kung saan umiskor lamang  ang dating Magnolia import ng dalawang puntos sa last quarter.

Inilabas ni coach Aries Dimaunahan si Blakely at pinalitan ni Rabbi Al-HJusseini para sa all-Filipino sa loob ng apat na minuto sa fourth period. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (106) – Durham 27, Almazan 19, Amer 17, Canaleta 13, Newsome 8, Quinto 8, Pinto 7, Faundo 3, Caram 2, Hugnatan 2.

Blackwater (97) – Digregorio 22, Blakely 15, Parks 12, Maliksi 12, Al-Hussaini 11, Belo 10, Cortez 4, Cruz 3, Desiderio 2, Sena 2, Sumang 2, Alolino 2.

QS: 22-20, 56-50, 80-74, 106-97.