MERALCO NAKAUNA

Laro bukas:

(Mall of Asia Arena)

6 p.m. – Ginebra vs Meralco

(Game 2, best-of-7 finals)

SUMANDIG ang Meralco kina Tony Bishop at Allein Maliksi upang maitakas ang 104-91 panalo kontra Barangay Ginebra sa Game 1 ng best-of-seven PBA Governors’ Cup finals kahapon sa Araneta Coliseum.

“It’s very important to get that first win,” sabi ni winning coach Norman Black. “If you fall behind in the series, it becomes that much harder to catch up. I thought we got off to a great start offensively and our defense held up very, very well.”

Pinangunahan ni Maliksi ang scoring sa first half, habang sinindihan ni Bishop ang kanilang  third-quarter breakaway upang manatiling walang talo ang Bolts kontra Gin Kings ngayong season.

Nalimitahan sa  6 points sa unang dalawang quarters, si Bishop ay nag-init at naitala ang 12 sa kanyang 20 kabuuang iskor sa third quarter upang tulungan ang Meralco na maitarak ang 78-60 bentahe papasok sa final quarter.

Lumobo ang kalamangan ng Bolts sa 21 points sa fourth quarter, 85-64, mula sa tres ni Bong Quinto at hindi na nakalapit pa ang Kings.

Subalit bago nanalasa si Bishop ay si Maliksi ang trumangko sa Meralco kung saan naitala ng sweet-shooting guard ang 15 sa kanyang team-high 22 points sa first half.

Mula sa bench sa second quarter, si Maliksi ay gumawa ng 10 points sa perfect 4-of-4 clip sa huling anim na minuto ng period kung saan naitarak ng Bolts ang 53-42 halftime lead.

Kumalawit din si Bishop ng12 rebounds, 4 assists, at 2 steals, habang nag-ambag si Cliff Hodge ng  17 points. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (104) – Maliksi 21, Bishop 20, Hodge 17, Black 12, Almazan 10, Newsome 8, Quinto 6, Belo 5, Banchero 2, Jose 2, Canete 0, Caram 0, Hugnatan 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

Barangay Ginebra (91) – Brownlee 27, Standhardinger 20, Thompson 19, Tolentino 6, Tenorio 5, Chan 5, Caperal 4, Ayaay 3, Pinto 2, Enriquez 0, Onwubere 0, Mariano 0, Devance 0.

QS: 25-23; 53-42; 78-60; 104-91.