Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Meralco vs Terrafirma
7:30 p.m. – TNT vs HK Eastern
IPAPARADA ng Meralco ang kanilang bagong import laban sa Terrafirma side na may bago ring reinforcement sa PBA Commissioner’s Cup ngayong Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.
Umaasa ang Bolts na mapunan ni DJ Kennedy ang butas na nalikha nang mabalian ng ilong si original import Akil Mitchell sa kanilang laro kontra Rain or Shine noong Linggo na naglagay sa kanya sa injury/reserve list ng koponan.
Sa kabila nito ay nanalo pa rin ang Meralco, 121-111, upang umangat sa 2-0 record subalit batid nina coach Luigi Trillo at active consultant Nenad Vucinic na kailangan ng kapalit upang hindi sila masilat ng 0-3 Terrafirma at mahila ang unbeaten start ng koponan at sumalo sa liderato sa NorthPort.
“Against Terrafirma we can’t let our guard down. Kailangan i-double pa namin ang effort,” sabi ni Trillo, na ang tropa ay sasalang na wala ang limang key players, sa pangunguna nina Allein Maliksi at Brandon Bates.
Sayang naman iyung pinaghirapan naming 2-0 (slate) tapos pagdating sa Terrafirma baka talunin pa kami.”
Ang pinag-iingatan ni Trillo ay ang katotohan na ipinakita ng Dyip ang kakayahan nito na makahabol mula sa malaking deficit sa kanilang huling dalawang laro sa kabila na naglaro na wala si import Ryan Richards, na may iniindangback issues.
“Actually, they’ve been playing better without an import. Minsan humahabol sila, but iyun nga, kinakapos lang,” ani Trillo.
Sa layuning maputol ang kanilang losing streak, at maisalba ang kanilang kampanya, dinala ng Dyip si Brandon Edwards, ang parehong import na magpapalakas sana sa kanila sa nakalipas na Governors‘ Cup subalit nagtamo ng pre-season injury.
“From what we heard, 6-6 lang ito pero based sa reports mas maayos daw ito. May tira sa labas pero may galaw rin sa loob,” wika ni Trillo.
“Mas in shape itong guy na ito kaysa the other one, Iyung isa (Richards) hindi talaga nakakatakbo, eh. Ito, although undersized, mas may ibubuga.”
Ganito rin ang inaasahan ng Meralco mula kay Kennedy, na isa ring 6-6 wing player na naglaro na para sa Bolts savEASL na may three-game averages na 20.3 points, 9.6 rebounds, at 4.3 assists.
Ang 35-year-old, teammate ni Barangay Ginebra’s Justin Brownlee sa St. John’s, ay pinili sa halip na ang isa pang naturalized Gilas player na si Ange Kouame, mas matangkad sa 6-11 subalit mas gumaganap na role player kaysa manguna sa koponan.
“Si DJ matches up better sa wings. Kung kalaban mo (Blackwater import George) King, aside from (Cliff) Hodge and Jansen (Rios), p’wede mo siyang itapat doon,” paliwanag ni Trillo.
“Just like (TNT’s Rondae) Jefferson or Brownlee, he’s a matchup nightmare kasi p’wede mo siyang gamitin sa 1 to 4.”
CLYDE MARIANO