Ayon kay Meralco VP at Corporate Communications Head Joe R. Zaldarriaga, bagama’t inaasahan ang pagtaas ng konsumo ng kuryente ngayong tag-init, nais linawin ng Meralco na walang ipinapatupad na rotational brownout sa Metro Manila.
Sapat ang supply ng kuryente at tuluy-tuloy rin ang serbisyo ng Meralco sa 7.8 milyong customer nito.
Patuloy din ang aming koordinasyon sa Department of Energy upang matiyak ang paghahatid ng maayos, sapat, at maaasahang serbisyo ng kuryente buong tag-init.
Makakaasa ang aming mga customer na anumang update tungkol sa serbisyo ng kuryente ay agad naming ipagbibigay alam.
Tinitiyak din namin sa aming mga customer na patuloy kaming maghahatid ng sapat at maaasahang serbisyo ng kuryente hindi lamang ngayong tag-init kundi buong taon, ani Zaldarriaga.