Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5 p.m. – Blackwater vs Phoenix
7:30 p.m. – San Miguel vs Ginebra
SINAMANTALA ng Meralco ang maagang pagkawala ni NorthPort import Venky Jois upang maitakas ang 114-104 panalo sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Nakabawi ang Bolts mula sa 108-99 pagkatalo sa TNT upang higpitan ang hawak sa second place sa Group A na may 6-2 kartada. Tulad ng walang larong TNT ay nakasisiguro na rin ang Meralco ng puwesto sa quarterfinals.
Nalasap ng Batang Pier ang ikalawang sunod na talo upang mahulog sa 3-5.
Nilisan ni Jois ang laro sa 3:15-mark ng first quarter dahil sa ankle injury. Inilabas siya sa stretcher at agad na dinala sa ospital.
Nagbuhos si Allen Durham ng 23 points at 13 rebounds, habang nag-ambag si Chris Newsome ng 20 points at 11 rebounds para sa Bolts, na muling nakasama sina Raymond Almazan at Cliff Hodge na bumalik mula sa injuries at umiskor ng 6 at 5, ayon sa pagkakasunod.
“We wish Venky Jois (a speedy recovery). He went down. We hope he gets better. We don’t know if it’s his Achilles,” sabi ni Meralco coach Luigi Trillo.
“For us, it’s nice to get some guys back in the mix. Obviously, you have the usual suspects like Chris and a couple of the other guys. We are starting to get guys back.”
Nagdagdag si Chris Banchero ng 19 points sa 8-of-16 shooting mula sa field matapos ang 4-of-16 clip sa TNT game.
Nagposte si Arvin Tolentino ng 28 points, 7 rebounds, at 5 assists, habang nagdagdag si Joshua Munzon ng 17 points at 2 steals para sa Batang Pier.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (114) – Durham 23, Newsome 20, Banchero 19, Cansino 12, Bates 12, Caram 10, Quinto 7, Almazan 6, Hodge 5, Pascual 0, Mendoza 0, Torres 0, Jose 0.
NorthPort (104) – Tolentino 28, Munzon 17, Cuntapay 12, Navarro 11, Yu 9, Flores 9, Amores 7, Jois 4, Bulanadi 4, Jalalon 3, Tratter 0, Onwubere 0, Nelle 0, Taha 0.
Quarters: 41-37; 67-59; 89-80; 114-104.