MERALCO, TNT, PIONEER SA PBA 3X3 Q’FINALS

NAKOPO ng Pioneer Elastoseal ang isang quarterfinal seat sa Leg 4 ng PBA 3×3 Season 2 Third Conference makaraang pataubin ang third-leg ruler Barangay Ginebra, 21-14, nitong Sabado sa Robinsons Novaliches.

Nagbuhos si Denice Villamor ng 12 points, tampok ang five-of-seven clip mula sa deep upang pangunahan ang Katibays na makabawi matapos ang 14-16 loss sa Purefoods sa opening sessions.

Kinuha ng Pioneer ang No. 1 seeding sa Pool A makaraang makopo ang pinakamataas na break points kontra fellow 1-1 squads Ginebra at Purefoods. Ang Katibays ay may 35 markers laban sa 34 ng Gin Kings at 33 ng Titans.

Umabante ang back-to-back-seeking Ginebra, na sinimulan ang kanilang kampanya sa 20-17 verdict kontra Titans, sa kabila ng pagkatalo sa Pioneer, salamat sa two-ball ni Donald Gumaru na nagbigay-daan para maunahan nila ang Purefoods sa No. 2.

Nagwagi naman ang Leg 2 winner TnT kontra NorthPort, 22-15, at J&T Express, 22-17, tungo sa No. 1 sa Pool D.

Kinuha ng J&T ang ikalawang quarterfinal ticket sa grupo makaraang maitakas ang come-from-behind 17-16 overtime thriller laban sa NorthPort.

Umusad din ang Leg 3 runner-up Platinum Karaoke sa ‘Last 8’ via back-to-back wins kontra Pool B opponents Terrafirma, 21-9, at Blackwater, 20-15.

Inangkin ng Red President ang B No. 2 na may 1-1, sa likod ng 21-20 overtime squeaker kontra Dyip (0-2) sa kanilang unang laro.

Samantala, tinalo ng Meralco ang Cavitex, 21-19, upang kunin ang No. 1 sa Pool C. Ang Bolts ay nasa three-way tie sa unahan na may 1-1 sa Braves at San Miguel Beer na may 39 tiebreak points. Kinuha ng Braves, naungusan ang SMB, 20-19, ang second seed na may 39.