MERALCO TULOY-TULOY SA PAGHAHANDA NG MGA PASILIDAD PARA SA DARATING NA HALALAN. Kita sa larawan ang mga tauhan ng Meralco habang pinaiilawan ang bagong tayong gusali ng San Joaquin Elementary School sa Pasig City na magsisilbing polling center sa darating na halalan. Bahagi ng proyektong ito ay ang pagtayo ng bagong 50-ft concrete pole, dalawang (2) 75-kVA distribution transformers, service wires, at metering facilities. Bilang paghahanda sa eleksyon sa Mayo 9, tuluy-tuloy ang pagta-trabaho ng Meralco upang masiguro na mayroong sapat, ligtas, at maasahang serbisyo ng kuryente sa higit 3,000 na polling, canvassing centers, at mga mahahalagang election related sites sa loob ng franchise area nito.