Meralco, tuluy-tuloy sa relocation works para sa C5 Southlink Project –Nagsagawa ang Manila Electric Co. (Meralco) ng mga relocation work sa may C5 Southlink, C5 Road Extension, Parañaque City. Kasama sa proyektong ito ay ang pagpalit ng limang (5) mga concrete pole, pag-relocate ng anim (6) na spans ng overhead lines, at pag-relocate ng dalawang (2) 75-kVA distribution transformer. Ginawa ang mga ito upang suportahan ang ginagawang C5 Southlink Expressway.
Ang 7.708-kilometrong C5 Southlink Expressway ay isang controlled-access toll expressway sa Metro Manila na magdurugtong ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa C5 Road sa Taguig City. Ito ay isang joint project ng Philippine Reclamation Authority, Toll Regulatory Board, at ang Cavitex Infrastructure Corporation, isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation.
Sa kasalukuyan, nasa 2,300 poste na ang nai-relocate ng Meralco para sa mga pangunahing pang-imprastrakturang proyekto ng gobyerno.
Ang Meralco at mga subsidiaries nito ay tuloy-tuloy na nagta-trabaho katuwang ang gobyerno upang matiyak ang agarang pagrelocate ng mga apektadong pasilidad at masuportahan ang mabilis at napapanahong konstruksyon ng mga infrastructure project nito sa ilalim ng Build Better More program.