CONGRATULATIONS sa NCAA 95th Season na buhay na buhay ang opening na ginawa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Matinding performance ang ipinamalas ng member-schools, sa pangunguna ng host Arellano University at ng Jose Rizal University. Lalo pang sumigla ang opening nang mag-perform si Bamboo. Ipinakita ang tema na “Kaisa sa Pagkakaiba” ng 10 eskuwelahan na kalahok sa torneo.
Tulad ng tradisiyunal na seremonya bago magsimula ang mga laro ay idineklara ni Arellano University President Francis Paulino Cayco, na siya ring presidente ng Policy Board, ang pagbubukas ng liga. Sa opening salvo ay nagsalpukan ang Lyceum at Letran, na sinundan ng sagupaan ng Arella-no University at defending champion San Beda.
Nanalo rin sa wakas ang Pampanga Giant Lanters laban sa Bulakan Kuyas, 68-63, sa MPBL. Ibinuhos lahat ng Giant Lanters ang lakas upang maiuwi ang unang panalo at ‘di mapahiya sa kanilang mga kababayan na Kapampangan. Kahit all the way lamang ang mga Kuyas, sa huling limang minuto ng laro ay nanalasa ang tropa ni coach Bong Ramos. Si Mark Cruz ang nahirang na ‘Best Player of the Game’ sa pagkamada ng 14 points, 2 rebounds, 10 assists at 2 blocks. Sana nga ay ito na ang simula ng pagpapanalo ng Pampanga team.
How true na posibleng bumalik sa kampo ng Ginebra itong si Sol Mercado? Ito ngayon ang usap-usapan sa apat na sulok ng court. Pinabulanan naman ito ng player. Sa kasalukuyan, aniya, ay naka-focus siya sa mga laro ng kanyang bagong team na NorthPort. Naka-move on na si Mercado sa pagkakalipat nito sa Batang Pier bagama’t hindi kaila sa lahat na masama ang loob niya sa pagkakaalis sa Barangay Ginebra.
Nakabawi na rin ang Rain or Shine noong Sabado laban sa Alaska, 86-84, sa MOA Arena. Bago nanalo ay nakadalawang sunod na talo ang kopo-nan. Marami na ngang nagagalit kay coach Caloy Garcia dahil sa masasamang talo ng team. Ang RoS ay may 4-5 kartada, katabla ang Phoenix, habang ang Alasla ay may 4-6. Partida pa sa kampo ng Aces na nadale ng injury si Denzel Bowles, na gumawa lamang ng 16 points at 4 rebounds sa 17 minu-tong paglalaro. Si Mark Boboran ang hinugot ni coach Garcia para ipalit kay Bowles na humataw ng 11 puntos.
May napipintong trade na naman na siguradong ikagugulat ng marami. Kung hindi inaasahan ang trade na naganap sa pagitan ng Ginebra at North-Port ay mas nakagugulantang ang nilulutong trade sa kasaluluyan. Ang magiging tanong dito ay bakit pakakawalan gayong bata naman si player.