TULIRO ngayon ang mga follower ng Barangay Ginebra dahil sa pagpapaalam ni Greg Slaughter sa koponan. Hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Ginebra at nagpaalam na magbabakasyon muna siya sa paglalaro. Sa anim na taong paglalaro ng tubong Cebu sa professional league ay satisfied na siya dahil nakakaapat na rin naman siyang nakasama sa pagsungkit ng kampeonato sa Ginebra.
Ilang awards na rin naman ang nakuha niya sa anim na taong paglalaro sa Gin Kings. Hindi natin masisisi kung ayaw ni Slaughter na mapunta sa ibang team. Kalat na kalat na kasi na iti-trade siya sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger. Sana naman ay magbago pa ang puso’t isipan ni Greg para ipagpatuloy niya ang kanyang paglalaro.
Ito namang si Sol Mercado ay tila hindi na bibigyan ng kontrata ng Phoenix Fuel Masters. Mukhang nataasan ang management sa hinihinging salary ng kampo ni Mercado. Tsika namin ay nakikiusap si Sol na bumalik siya sa Ginebra, at posibleng makita natin sa next season ng PBA sa March 8 ang player na muling suot-suot ang jersey ng pinakamamahal niyang Ginebra. At posibleng sa pagbabalik ni Mercado sa mother team ay mag-retire na rin siya ngayong taon.
Hindi raw namimili ng team na pupuntahan itong si Thirdy Ravena. Dapat kasi ay kasama si Ravena sa 2019 PBA Annual Draft, subalit ipinagliban niya ang pagsama sa drafting. Sigurado kasing kapag nakasama siya ay mapupunta siya sa Columbian Dyip na mukhang ayaw niya. Kaya ang ginawa ni Ravena ay nag-training siya sa Estados Unidos para paghandaan ang PBA Annual Draft 2020 at makapaglaro sa mga international basketball tournament. Saka mukhang malalaki ang offer sa kanya ng mga taga-ibang bansa.
Si Ravena ay nakatakdang parangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang ‘Basketbal of The Year’. Congrats.
Good bye na sina Japeth Aguilar at Standhardinger sa Gilas Pilipinas team. At dahil hindi na rin lalaro si Slaughter sa Ginebra ay paalam na rin siya sa Gilas. Ano ba ang nagyayari sa mga bigman natin? Kailangan sila ng bansa. Si June Mar Fajardo ay hindi rin makapaglalaro dahil nga nadale siya ng right leg injury sa kanilang practice at naoperahan na kinakailangan ipahinga ng player. Hindi nga ito makapaglalaro sa Philippine Cup ngayong 1st conference. Sana naman ay magbago ang isip nina Aguilar, Standhrdinger at Slaughter. Hintayin nating mag- iba ang ihip ng hangin.
Comments are closed.