TULUYAN nang inaprubahan ng Philippine Competition Commission o PCC ang Grab-Uber merger na may kaakibat na mga kondisyunes at Php2 million na multa sa bawat mga paglabag.
Sa inilabas na desisyon ng PCC, tuluyan ng pinayagan ang Grab-Uber union subalit may “set of commitments” o kondisyon na itinakda upang matiyak na mas magiging maayos ang serbisyo para sa mga pasahero at pagtiyak sa mas mababang singil sa pasahe.
Kabilang sa mga kondisyon na inilatag ng PCC sa Grab ay ang mga sumusunod:
– Service Quality Commitment, na nag-aatas sa Grab na ibalik ang pre-take over “acceptance and cancellation rates” at maglaan ng oras para sa mga reklamo ng mga pasahero;
– Fare Transparency Commitment, na mag-oobliga sa Grab na rebisahin ang resibo nito upang maipakita ang “fare breakdown ng kada biyahe, distansya, fare surges, discounts, promo reductions at per-minute waiting charge;
– Commitment on Pricing, o hindi maaaring maningil ang Grab ng “extraordinary deviation;”
– Removal of “See Destination” feature, o tatanggalin ang “destination masking” na nagpapahintulot sa drayber na makita ang destinasyon ng pasahero bago tanggapin ang trip request;
– at Driver/Operator Non-Exclusivity Commitment o papayagan na ng Grab ang iba nilang tsuper na bumiyahe sa ilalim ng ibang transport network companies o TNCs.
Babala ng PCC na sa bawat paglabag ay may katapat na P2 milyon na multa.
Imo-monitor ng PCC kung sinusunod ng Grab ang mga commitment sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.