MERKADO NG MSMES NADAGDAGAN; DTI INILUNSAD ANG 17TH OTOP PH HUB

OTOP Hub

INILUNSAD ng Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng kanilang One Town, One Product (OTOP) Program ang pinakamagagaling na kalidad ng produkto ng Filipinas sa isa sa central business districts ng Metro Manila sa ika-17 OTOP Philippines Hub na ginanap sa ground floor ng DTI Main Building, 361 Sen. Gil J. Puyat Ave­nue, Makati City kama­kailan.

Dinaluhan ng Regional Operations Group (ROG) Undersecretary Zenaida Cuison-Maglaya, kasama sina Undersecretary, Manage­ment Services Group (MSG) Ireneo Vizmonte, ROG Assistant Secretary Demphna Du-Naga, National Capital Region (NCR) Officer-in-Charge – Regional Director Rodolfo Mariposque at Clark Nebrao kasama ang mga miyembro ng Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) members, ang soft opening ng tindahan.

Ang 17th OTOP Philippines Hub ay sa pakikipag-partner sa ALAFOP na ang gawain ng  asosasyon ay magmatyag sa araw-araw ng takbo ng Hub.

Ang 17th OTOP PH Hub ay nagtatag­lay ng mga produkto mula sa processed food and delicacies, gifts and decors,  health and wellness goods, na ipinagmamalaking gawa ng 69 na micro, small and medium enterprise (MSME) suppliers mula sa iba’t ibang rehiyon, na may 241 stock keeping units (SKUs). Ang tindahan, sa pamamagitan ng kanilang produktong naka-display, ay nagpapahayag ng damdamin ng homecoming para roon sa mga nakatira sa metro na nami-miss ang kanilang home provinces.

Nakikita ng inisyatibong ito ang paglago ng MSMEs sa kanilang benta at naaabot ng kanilang merkado, dagdag pa ang cultural upliftment na dala nito sa mga pro­binsiya, dahil nagsisilbi ang kanilang produkto ng valuable representations ng kani-kanilang loka-lidad.

Sa pamamagitan ng OTOP Next Gen Project, ang mga produktong naka-display sa OTOP Hubs ay dumaan sa product development, na nakatulong sa kanilang marketability. Ang OTOP Hubs ang nagsisilbing regular outlet at space kung saan ang developed products ay magiging laan at handa para sa mga konsyumer.

Muling binigyang-diin ni Undersecretary Zenaida Cuison-Maglaya na ang paglikha ng OTOP Philippines Hub ay nakalinya sa ideya ng Market sa ilalim ng kanilang 7Ms ni Secretary Ramon Lopez, isang paraan para masuportahan ang MSMEs. Bukod dito, ang OTOP Philippines Hub ay tumutugon sa sitwasyon ng mga culturally-rooted products na hindi pa nadidiskubre.

Sa ngayon, mayroon nang 681 suppliers ang OTOP Hub sa buong bansa na patuloy na sinusuportahan ng Department. Ito ang masasabing “noteworthy contribution to the program’s impact,” maging ito man ay nasa micro o macro level.

“Market is very important for our MSMEs. We, at DTI, aim to improve and help our MSMEs from Product Development to catering them one-stop shops before they level up to the premium market,” pahayag ni Assistant Secretary Du-Naga, Program-in-Charge.

Hanggang sa taong 2018, nakatulong na ang OTOP Program sa 7,151 MSMEs, nag-develop ng 5,465 produkto, at umabot na sa P341-M ang benta nito.

Ang iba pang 16 na OTOP Hubs ay nasa  Laoag City, Tuguegarao City, Santiago-Isabela, Malolos City, Tagaytay City, Legazpi City, Masbate City, Boracay, Bohol, Siquijor, Zamboanga City, Iligan City, Butuan City at Baguio City.

Bukas ang OTOP Hub sa DTI Main Building sa mga konsyumer mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Comments are closed.