MERYENDA NG MGA PINOY

MERYENDA

(Ni KAT MONDRES)

HINDI nawawala ang mer­yenda sa mga Pinoy. Ang merienda ay mula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “light meal between lunch and dinner”. Ito ay ipinasa ng mga Espanyol sa mga Pinoy at hang-gang sa nakasanayan ng nga natin ito.

Kapag ang isang tao ay katatapos lang kumain ng tanghalian, pagdating ng hapon ay nakadarama na ulit ito ng gutom. Sa mga taong may kaya sa buhay o nakaluluwag ang bulsa ay hindi lamang three times a day ang tsibugan, kundi ginawa na itong four times a day at kasama na roon ang merienda time.

Pagdating ng alas-2 hanggang alas-3 ng hapon, marami na sa atin ang nag-aanyayang kumain ng meryenda. Kahit nasa office o busy sa trabaho ay naghahanap pa rin tayo ng oras upang makapag-merienda. At ang pagkain ng meryenda ay naging parte na ng ating kulturang Filipino.

Narito ang ilan sa mga nakahiligang mer­yenda ng mga Pinoy. Puwede niyo itong gawin sa inyong bahay at i-share o ibenta sa mga kaibigan, kapit-bahay o sa mga kasamahan mo sa trabaho.

TURON NA SAGING

Mga Sangkap:

12 piraso ng spring roll pastry

6 saba na saging

6 piraso ng pinaghati-hati na langka,

1 baso ng asukal

2 baso ng cooking oil

Paraan ng pagluto:

Balatan ang saging na saba at paghati-hatiin ito sa tatlo. Timplahin at lagyan ng asukal ang mga pinaghati-hating saba.

Sa isang malaking plato, ihanda ang spring roll wrapper, saba at langka. Maglagay ng dalawang hiniwang saba, at tatlo hanggang apat na hinating langka sa gitna ng wrapper. Tiklupin ito na parang lumpia.

Ulitin ang prosesa hanggang sa maubos ang saba at langka.

Painitin ang oil sa isang malaking kawali at lutuin ang turon. Putuluin ang oil ng turon sa paper towel at puwede na itong ihanda.

WAFFLE DOGS

Mga sangkap:

1 pakete ng Hotcake and Waffle Mix

1/2 kilo ng hotdog

Paraan ng pagluluto:

Sundin ang paraan ng pagluluto sa likod ng waffle mix box.

Painitin ang waffle maker at pahiran ng butter. Punuin ng ¾ molds ang pang-ilalim na hulmahan ng waffle maker at idagdag ang hotdog sa gitna nito.

Kapag ang ilalim na molds ay medyo luto na, isunod na ring punuin ang pang-itaas na hulmahan ng waffle. Baliktarin ang waffle maker upang hindi masira ang hulma ng waffle.

Isara ang maker at hintayin hanggang sa maluto ang waffle dog at puwede nang ihanda.

Sa unang beses ng pagawa nito ay hindi ganoon kaperpekto ang waffle dog, pero ‘pag uulit-uli­tin ito ng ilang beses ay tiyak na makukuha mo rin ang tamang kulay ng waffle at ang tamang proseso ng pagluto nito.

MANGO- FLOAT

Mga sangkap:

2-3 hinog na mangga (nabalatan,walang buto at hinati-hati)

1 lata ng (395g) condensed milk

1 bote ng (600ml) thickened cream

7 pakete ng skyflakes o graham crackers

Pyrex rectangular glass container – 9x7x2.5 inches (2.6L)

Paraan ng pagluluto:

Paghaluin ang thickened cream at condensed milk. Ihanda ang pakete ng crackers o graham crackers, at hatiin ito sa tatlo.

Sa Pyrex container, isalin ang cream mixture upang maging base ng crackers. Kapag ito ay nagawa na, idagdag ang crackers sa taas nito.

Magdagdag ulit ng cream mixture at ilagay ang hinog na mangga sa taas nito. Ipuwesto ulit ang crackers-cream-mangga hanggang sa huling patong.

Idagdag ang huling cream mixture hanggang sa maubos ang pinakamataas na patong. Puwedeng budburan ang taas nito ng dinurog na crackers, o magdisenyo ng pinaghiwa-hiwalay na mangga. Ilagay sa loob ng ref at hintayin hanggang sa tumigas o lumamig ang mango float. At puwedeng puwede na itong ihanda.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa paborito na­ting mga Pinoy na pang-merienda. (photos mula sa kawalingpinoy, foodnetwork at eattreat)

Comments are closed.