MERYLL SORIANO ‘NAKAHAWA NG PAG-IBIG’ SA SET NG ‘CULION’

INAMIN ni Meryll Soriano na masaya ang kanyang puso ngayon. Kumpleto kasi ang reflectionpamilya and most of all, kasama niya ang kanyang unico hijo na si Eli.

“I’m happy. I have a lot of films na  natatanggap. Oh, my God! ‘Yun ang ka-excite-excite ang puso ko ngayon and, excited ako. 2019 has been very good to me,” masayang bungad ni Meryll.

Nainterbyu  namin si Meryll sa presscon ng “Culion” na dinirek ni Alvin Yapan mula sa MSB production ni Shandi Bacolod at iOptions Productions nina Gillie and Peter Sing na ipalalabas sa December 25.

Ang “Culion” ay lugar sa Palawan na kilala bilang refuge ng mga maysakit na ketong. Ang kwento ng “Culion ay sinulat ng multi award-winning writer na si  Ricky Lee at may tagline na “nakakahawa ang pag-ibig.” Bukod kay Meryl,  bida rin sa movie sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Joem Bascon.

Tinanong namin si Meryll kung true ba “nagkahawaan ng pag-ibig’ sa set ng “Culion” with his co-star in the movie na si Joem Bascon.

“Hindi ko sasagutin ‘yan.  Kasi, ano, sobrang sensitive ng topic na ‘yan.  You know, they’re all, basta, hindi ang topic na ‘yan. Hindi ako  part ng ano, I don’t want to answer  that right now.”

Ni-reveal naman ni Meryll sa amin na gusto raw ng anak niya kay Bernard Palanca na si Eli na mag-asawa siya ulit. At plano ni Meryll, she would like to settle down again after two years.

“Gusto na rin niya. He wants a father figure, gusto niya. He’s excited. Minsan nga, ilang years ago ba ‘yun? Sabi niya sa akin, gusto niya akong magka-boyfriend para magka-dad na siya. Sabi ko, ‘Anak, nakaka-pressure naman. It’s something that I want. I wanted for myself, for my family, for Eli. Gusto ko pang magkaanak.”

According to Meryll, binibigyan pa rin pala ng allowance ni Willie ang anak niya kay Bernard Palanca na si Eli.

“Meron kaming allowance for Eli. E, ano naman siya, hindi naman maramot si Papa,” lahad pa niya.

DIREK PAUL SORIANO BILIB KAY CARMINA SA PAGSABAK SA KANYANG HORROR FILM

MULING nagpaawit si Direk Paul Soriano sa officers and members ng Philippine Movie Press Club  sa kanyang TEN17 office sa Makati City kamakailan.

Natanong si Direk  Paul tungkol sa kanyang recent film, ang nag-iisang horror film sa 2019 Metro Manila Film Festival titled “Sunod.”

“Si Tin nga is actually very, very scared  sa movie namin. The movie is not only scary, scary. But, ang ganda rin ng kuwento, e. And then, ang surprising talaga dito is, si Miss Carmina (Villaroel)

“Si Carmina, ano ‘yan, because we were looking for somebody that can really relate to the  character. It’s a mother  and daughter film. As we all know, of course, she has her twins.

“When we got her on board, nag-yes siya sa amin. She gave actually a 110% na she was really dedicated to the role, to the character. Very, very professional na Miss Carmina.

“Actually, I was hoping to really work with her again. Sana sunod-sunod na  ‘to.”

Marami ang nagsasabi na malaki ang chance na isa sa grossing films ang “Sunod” sa December filmfest. Ito lang kasi ang nag-iisang horror film at sabik  ang audience na sumuporta sa franchise ng “Shake Rattle &Roll” every MMFF.

In fairness, for the past years ay nakakapasok sa MMFF ang mga pelikula ng TEN17 ni Direk Paul at lahat naman did fairly sa box-office.

Pumalag naman si Direk Paul sa.mga nagsasabi na tatakutin daw ng “Sunod” ang mga nagtatrabaho sa call centers.

“Well, ang kwento namam talaga ng movie is a myth, ‘no.  If you ask anybody ‘no, sa call center, may ghost nu’n, e. So, parang, si Miss Jessica Soho picked it up. Maraming documentaries about it. So, it is actually based on true myth. If you have friends from the call center, they know the myth. Of course, we made it a little of fiction, no. Pero, hopefully, din, we got the support of the call, malaki ang market ng call center agents. So, hopefully, na rin we can give justice sa story,” pahayag pa ni Direl Paul.

Comments are closed.