METRO BIKE LANE BINUKSAN NA

patnubay ng driver

GOOD DAY MGA KAPASADA! PORMAL nang binuksan ng Deparment of Transportation (DOTr) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong nakaraang Hulyo 27 ang Metro Manila Bike Lane Network, ang maituturing na pinakamahabang bike lane network sa buong bansa sa kasalukuyan.

Ayon sa DOTr, ang bike lane network sa Metro Manila ay may habang 313 kilometro at ito ay lalagos o tatahak sa 12 lungsod: Pasig, Marikina, Quezon City, Caloocan, Manila, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasay, Las Pinas, Paranaque, at Taguig. Gayundin, ang naturang bike lane ay may lapad na 1.5 hangang tatlong metro basesa road’s configuration. Ang bike lane, ayon pa kay Sec. Tugade, ay bahagi rin ng katatapos na 497 kilometer bike lanes na ginawa sa Metro Cebu at Metro Davao.

Binigyang-diin ni Secretary Tugade na ang ating mga sisklista sa Kalakhang Maynila ay may ligtas nang bike lane na nagkikintal ng pagbabago sa  nakagawiang kultura, disiplina at kaayusan ng ating kalsada.

Sa mensahe ni Tugade na binasa ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, nilinaw niya na walang orange traffic cones na ginamit bilang lane separator taliwas sa sinasabi ng mga kritiko nito.

Dugtong na paliwanag ng transportation chief na ang Metro Manila bike lanes ay gumamit ng concrete separator at flexible rubber bollard sa pagitan ng bikers at motor vehicles. Ang bike lanes ay ginamitan din ng white and green pavement markings na may thermoplastic na pintura, gayundin ng puti at berdeng pavement markings na ang gamit ay thermoplactic paint, bollards boldted to the group bike symbols at signages solar-powered road studs and bike racks bilang safety nets ng mga biker.

Idinagdag pa ni Pastor na ang iba pang bahagi ng Kalakhang Maynila ay magkakaroon din ng kanilang sariling bike lanes sa mga darating na panahon. “Para naman sa national government, meron pa po tayong NCR  bike lanes, which was recently  procured by DPWH kasama ang DOTr gaya ng nasa Las Piñas, Muntinlupa at Paranaque.

Ang intensiyon ng DPWH at DOTr ay to connect ang tatlong lungsod sa umiiral nang bike lanes para interconnected po talaga magagamit ng ating mga kababayan, hindi lamang para sa social activities kundi bilang uri ng transportatsyon papasok at pabalik sa workplace ng ating mga kababayan na pinahihirapan ng pagyayaot mula sa tahanan patungo sa place of works at pabalik,” sabi pa ni Asec. Pastor.

Sa kanyang panig ay sinabi naman ni DPWH Secretary Mark Villar na ang bike lanes ay magsisilbing malaking tulong sa mga worker at mananakayang mamamayan sa  Kalakhang Maynila na tutungo sa kanilang workplace at pabalik sa tahanan sa panahon ng pandemya.

“The role of public transportation ay lubhang mahalaga sa mobility ng mga workers at sa economic stability ng bansa sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta bilang pinakalohikal na sasakyang magagamit ay masasabing solusyon sa kanilang layuning kumita para sa pang-agdong buhay ng pamilya lalo na mga sa nabibilang sa antas ng isang kahig at isang tukang pamumuhay,” ang mensahe ni Secretary Villar na binasa ni DPWH NCR Regional Director Eric Ayapana sa panahon ng pasinaya.

PANAWAGAN NG LCSP SA MGA KAKAN DIDATO SA 2022 POLLS: RESOLBAHIN ANG ISYU SA TRANSPORTASYON

Halos isang taon pa bago maganap ang halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022 ay humihingi na ng tulong ang isang commuter at transport group sa mga kakandidato hinggil sa mga isyu sa transportasyon.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, sa ginawang survey ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), gustong mabatid ng transport sector ang magiging paninindigan ng mga kakandida-to sa isyu na  may kinalaman sa suliraning pinangangambahan ng transport group na maaaring maganap tulad ng:

  1. Pag-aalis ng public land transport bilang public utility sa Senate Bill 2094 na magbubukas sa mga pagmamay-ari ng dayuhan na higit sa 40 percent nationality restriction requirement ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas.
  2. Gawing legal ang mga motorcycle for hire o motorcycle taxis.
  3. Ang pag-ooperate ng mga pribadong motor vehicle inspection system at ang pagiging mandatory nito bago makapagparehistro ang sasakyan.
  4. Coding ng pribado at pampublikong sasakyan.
  5. Libreng personal insurance sa mga public transport driver at kundoktor.
  6. Review and amendment sa exorbitant fines and penalty ng joint administrative order ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Land Transportation Office.

7.Pag-aalis ng mga tricycle sa jurisdiction ng local government units (LGU) at paglipat nito sa isang national agency.

  1. Pagtatalaga ng isang Road Safety agency.
  2. Pag-aalis ng mga napakaraming requirements at red tape sa pagrerehistro ng sasakyan at pagkuha ng prangkisa.
  3. Pag-aalis sa mga kotongerong enforcers at pagtatanggal ng mga illegal terminal.
  4. Phaseout ng delivery trucks, public utilities at mga pribadong sasakyan na higit na sa 15 taon.
  5. Pagdedemanda sa mga opisyal na nagpapahirap sa transport sector sa kanilang panunungkulan.

Naniniwala si Atty. Inton na hindi man magkaisa ang transpsort sector sa mga kandidatong susuportahan ay magkasundo naman sana sila para mabigyang lunas ang angmga isyu na dapat isulong ng transport group para sa kabutihan ng mga mananakayang mamamayan at ng motoristang Pilipino.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

82 thoughts on “METRO BIKE LANE BINUKSAN NA”

  1. 681688 280737Private Krankenversicherung – Nur dann, wenn Sie sich fr die Absicherung ber die Rentenversicherung entschieden haben, dann knnen Sie sich sicher sein, dass Sie im Alter so viel Geld haben, damit Sie Ihren Lebensstandard halten knnen. 964665

  2. 679716 167462Hiya! Fantastic blog! I happen to be a daily visitor to your internet site (somewhat more like addict ) of this internet site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for more to come! 983407

Leave a Reply

Your email address will not be published.