INIREKOMENDA ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapanatili ng general community quarantine status sa Metro Manila hanggang sa Disyembre 31.
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC), na ito ang resulta ng kanilang pulong kasama ang mga miyembro ng IATF Linggo ng gabi.
Sinabi ni Olivarez na layon ng rekomendasyon nila na maiwasan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pagkakaroon ng second wave dahil sa holiday season.
Maliban sa Metro Manila, umiiral din ang general community quarantine (GCQ) sa Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, Lanao Del Sur at Davao City, samantalang ang ilang bahagi ng bansa ay nasa modified GCQ status.
Comments are closed.