HANDA nang bumalik sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila matapos dalawang linggong pagsasailalim nito sa ikalawang pinaka mahigpit na quarantine level,.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force Against COVID-19 na pinag aaralan nila ngayon kung maaring luwagan na ang pinatutupad lockdown protocol sa kalakhang Maynila.
“I think we are ready to go down,” ani Lorenzana sa isang panayam.
Nabatid na pinagbasehan ng kalihim ay ang nakitang pagbaba ng coronavirus infections sa may 3,000 naitalang new cases nitong nakalipas na Linggo kumpara sa halos 6,000 arawang bilang sa mga nagdaang araw.
“We cannot continue with the MECQ kasi nga alam na natin kung nasaan iyong areas na may infection. Iyon ang tutukan natin so that the others can go to work,” paliwanag pa ng opisyal.
Kinakailangan lang umano na tukuyin ang mga barangay o lugar na may coronavirus outbreak at yuon ang i-lockdown sa halip na buong siyudad ang ilagay sa quarantine.
“Hindi puwedeng lockdown na lang tayo nang lockdown dahil baka mas maraming mamatay sa gutom kaysa sa COVID kung walang trabaho ang mga tao,” dagdag pa ng kalihim.
Kaugnay nito, nilinaw din ni NTF Against COVID-19 Co-Chairman Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nanatiling kontrolado ng Pilipinas ang pagsugpo sa pandemya .
Ani Año, makokontrol na nila ang lumalaking bilang ng virus patients kasunod ng desisyon na muling magpatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karating lalawigan na tinuturing na mga epicenter ng COVID-19 hanggang sa Agosto 18.
“We are still in control and we placed NCR (National Capital Region) and 4 provinces under MECQ because of course we know our hospitals are overwhelmed so we have tor restrict the movement of the people,” ayon sa kalihim. VERLIN RUIZ
Comments are closed.