POSIBLENG balik-general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila sa susunod na linggo upang mabuksan muli ang mga negosyo.
Ito ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa nakatakdang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 17 kasabay ng pagtatapos ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Dagdag pa ni Roque, hindi pabor ang gobyerno na palawigin pa ang MECQ sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.
Maliban na lamang kung maglalaan ng pondo ang Kongreso bilang ayuda sa mga apektadong sektor.
Mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing hindi kakayanin ng pamahalaan ang magpatupad ng panibagong lockdwon dahil wala nang sapat na pondo para rito.
Kasabay ng posibleng balik-GCQ ay ang pagbubukas ng dagdag na ruta ng mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila.
Comments are closed.