TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na ligtas mula sa banta ng kaguluhan ang Metro Manila matapos ang magkasunod na bombing inci dents sa Jolo, Sulu at Zamboanga.
Kasabay nito ang panawagan ng militar at pulisya na huwag nang sumakay sa mga pananakot, mga ipinakakalat na espekulasyon sa social media, at text messages.
Kahapon galit na tinugon ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar ang viral bomb scare text na ipinakalat ng isang Kyla Avonahceh.
Ayon kay Eleazar, malinaw na panlilinlang lamang ito at layuning maghasik pangamba at takot sa mamayan sa Metro Manila, ang ginawa ng mga taong malinaw na kalaban ng estado o mga irresponsible pranksters.
Ito ay kaugnay sa kumakalat na mensahe sa pamamagitan ng text na isang shopping mall ang target na pasabugin ng mga terorista.
Tiniyak din ng heneral na ginagawa ang lahat para sa Kalakhalang Maynila para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. VERLIN RUIZ