METRO MANILA, AT ILAN PANG BAHAGI NG LUZON AT VISAYAS MANANATILING MAULAN

Patuloy na magiging maulan pa rin ang panahon sa  ilang mga  lugar sa Luzon at Visayas bunsod pa rin ng epekto ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical and Services Administration (Pagasa), ilan sa mga lugar na uulanin sa Luzon ay ang Zambales, Bataan, Pa­ngasinan, Tarlac, Occidental Mindoro, at Northern Palawan.

Gayundin ang Abra, Benguet, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Romblon, Antique, Iloilo. Magiging maulan din  sa Metro Manila, at nalalabing bahagi ng northern Luzon.

Babala ng Pagasa, posible pa rin ang mga pagbaha at landslides.

Ayon sa weather bureau, apektado ng monsoon rains and Luzon at Visayas na hinahatak ng dalawang bagyong lumisan sa bansa na parehong nasa labas na ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR).

Ang dating bagyong Gener ay posible pang lumakas habang tinutumbok ang Vietnam. Ang bagyong si Punasan na may local name na Helen naman ay nagland fall na sa Okinawa, Japan at susunod namang tatama sa China.

Base sa rainfall forecast ng Metro weather, uulanin ngayong Huwebes, Setyembre 19, ang halos buong Luzon kabilang ang Metro Manila. Posible ang heavy to intense rains na posibleng magdulot ng baha at landslides.May tsansa rin ng ulan  sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Dahil din sa habagat magiging maalon at delikado sa maliliit na sasakyang pangdagat ang lumalaot sa baybayon ng Pangasinan, Zamba­les, Bataan, Occidental Mindo­ro, Palawan ka­sama ang Kalayaan islands.

MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA