INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine ang Metro Manila at 13 probinsiya sa buong buwan ng Pebrero ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga lalawigang isasailalim sa GCQ maliban sa Metro Manila ay ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province.
Maging ang Baguio City at lahat ng lugar sa Cordillera Administrative Region ay sasailalim sa GCQ.
Bukod sa nasabing mga lugar, kasama rin sa GCQ ang Batangas sa Region IV-A or Calabarzon; Tacloban City sa Region VIII o sa Eastern Visayas; Davao del Norte at Davao City sa Region 11 at Lanao del Sur at Iligan City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Habang ang Santiago City, Ormoc City, at iba pang lugar ay isasailalim sa modified general community quarantine, ayon kay Roque.
“The abovementioned risk-level classifications will take effect starting Monday, February 1 until February 28, 2021,” dagdag pa ng Malacanang official.
Sa mga classification ng kwarantina, ang MGCQ ang pinakamaluwag na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, sumunod ang GCQ na bahagi ng paghihigpit ng pamahalaan upang pigilan ang paglawak ng coronavirus disease. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.