METRO MANILA BALIK-ECQ

Presidential spokesperson Harry Roque

BALIK enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ng Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na magpatupad ng ECQ sa Metro Manila mula Agosto 6, 2021 hanggang Agosto 20, 2021.

Iiral pa rin ang GCQ “with heightened and additional restrictions” sa Metro Manila hanggang Agosto 5 at itataas sa ECQ pagsapit ng Agosto 6 hanggang 20.

Ani Roque, maraming oras ang ginugol bago mapagpasyahan ang pagpapairal muli ng ECQ sa NCR.

Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na huwag mag-panic buying dahil sa ilalim ng ECQ ay mananatili namang bukas ang mga establisyimentong may kaugnayan sa essential services tulad ng supermarket, grocery at mga botika.

Sa NCR, ang indoor dine-in services at al fresco dining ay bawal. Tanging take-out at delivery ang pahihintulutan.

Ang personal care services, gaya ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas ay maaaring mag-operate hanggang 30% ng venue seating capacity.

Ang indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions and specialized markets ng Department of Tourism (DOT) ay hindi papayagan.

Ang outdoor tourist attractions, ay papayagan sa 30% venue capacity.

Tanging Authorized Persons Outside their Residences (APOR) ang hahayaang magbiyahe sa NCR Plus Area, kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Tanging virtual religious gatherings ang papayagan
gayundin ang necrological services, wakes, inurnment at funerals sa hindi namatay sa COVID-19 subalit limitado lamang sa pamilya.

Samantala, ECQ din sa Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province, at Cagayan de Oro City simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021.

Ang Cebu City at Cebu Province ay idinagdag sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021, subalit maaaring mabago sakaling umapela ang kanilang local government units.

Sa Luzon, Ilocos Norte at Bataan; at sa Visayas, Mandaue City at Lapu-Lapu City ay isasailalim sa MECQ mula Agosto 1 hanggang Agosto 15.

Kabilang sa mga nasa GCQ with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, ay Ilocos Sur; Cagayan; Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Lucena City in Region 4-A at Naga City sa Luzon; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6 at Negros Oriental para sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City.

Habang ang Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A at Puerto Princesa; Guimaras at Negros Occidental sq Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato and South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands in CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao ay nasa regular GCQ mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.

Ang mga hindi nabanggit na lugar ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) classification mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, 2021. EVELYN QUIROZ

One thought on “METRO MANILA BALIK-ECQ”

  1. 319726 230193There exist a couple of many different distinct levels among the California Weight loss program and each and every a person is pretty crucial. You are procedure stands out as the the actual giving up with all the power. weight loss 483155

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *