PARA mapanatiling masaya at buhay pa rin ang Kapaskuhan, tuloy pa rin ang pagdaraos ng naging tradisyon nang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa gitna ng hamon ng coronavirus disease pandemic.
Iyo ay makaraang ihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Danilo Lim na sa unang pagkakataon ay magiging digital na ang pagdaraos ng taunang film festival ngayong Disyembre.
“The film industry continues to grapple the effects of COVID-19 but it should not dampen the Filipinos’ spirit of watching Filipino movies during the Christmas season. This year, we are bringing the MMFF tradition in every Filipino home not just here in the country but all over the world via digital screening for the first time,” ani Lim.
Habang nasa bahay lang ay maaring ma-access ng global audience ang walong entries sa MMFF ngayong taon sa digital form sa pamamagitanng Upstream.
“We are very excited about the annual film festival that will take place on a new platform. Filipinos abroad and those who cannot go home for the holidays can enjoy the MMFF tradition by watching MMFF movies on digital platform,” dagdag ni Lim.
Aniya, pinili ng MMDA ang Globe at streaming platform na ‘Upstream’ na maging official partner sa pagdaraos ng MMFF, sa ika-46 taon nito sa darating na Disyembre 25.
“Out of the five proposals the MMDA received, we have chosen Globe which presented the best offer to be our partner,” sabi pa ng MMDA Chief.
Hinimok ni Lim ang publiko na patuloy na tangkilikin ang taunang pelikulang Filipino na inorganisa para sa maitaguyod at ang paglago at pag-unlad ng lokal na industriya ng pelikula.
Sinabi naman ni Atty. Romando Artes, MMFF co-Executive Chairman, ang pagsasagawa rin ng Parade of Stars at Awards Night ay virtual din na mapapanood sa streamed online bilang pagtugon sa health and safety protocols laban sa kinatatakutan Covid-19. LIZA SORIANO
Comments are closed.