SA kauna-unahang pagkakataon mapapanood online ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ay dahil sa pandemya, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang panonood sa mga sinehan, ngunit tuloy na tuloy pa rin ang MMFF.
Sa pamamagitan ng video-on-demand platform na upstream ay maari mo nang mapanood ang mga pelikulang kasali sa MMFF na maaring rentahan.
Kabilang sa mga pinaka-aabangan na pelikula sa MMFF ay ang Fan Girl na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Charlie Dizon; Isa pang Bahaghari nina Nora Aunor, Philip Salvador, Michael De Mesa, at Zanjoe Marudo; Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim nina Vhong Navarro, Barbie Imperial, Jaclyn Jose at Benjie Paras pati na ang Tagpuan nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao. ASHLEY JOSE-DWIZ882
Comments are closed.