METRO MANILA GCQ NA SA HUNYO 1, QUARANTINE PASS ‘DI NA KAILANGAN

GCQ

INIANUNSIYO  na ni Pangulong Rodrigo Duterte  na isasailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula sa  Hunyo 1.

Sa kanyang  public address, Huwebes ng gabi ay sinabi ng Pangulo na mananatiling nakasailalim sa GCQ ang Davao City, Regions 2, 3, 4-A (Calabarzon), Pangasinan at Albay.

“We are not happy to put you in this place but after review, may be we can,” pahayag ng Pangulo.

Ang nalalabing bahagi  ng bansa ay isasailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ).

Magbibigay na lamang umano ng update si Presidential Spokesman Harry Roque ng mga lugar  kung saan magkakaroon ng pagbabago.

Samantala, dahil sa pagpapaluwag ng quarantine ay inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi na kailangan ang quarantine pass para sa paglabas ng bahay upang bumili ng mga essential o kailangan ng pamilya.

Comments are closed.