METRO MANILA, MAY PINAKAMALAKING ALOKASYON NG SINOVAC

sinovac

ANG Metro Manila ang nakakuha ng pinakamaraming alokasyon ng Sinovac vaccine mula China habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinakakaunting nakuhang alokasyon.

Sa televised press briefing kahapon ay iprinisinta ni Presidential Spokesman Harry Roque ang allocation list ng nabanggit na anti-COVID-19 vaccine na naipamahagi sa iba’tibang rehiyon alas- 4:00 ng hapon noong Marso 1.

Base sa  allocation list, ang “eligible population” mula sa iba’tibang COVID-19 referral hospitals sa National Capital Region ay nasa 130,742 habang ang sa BARMM naman ay may alokasyon para sa 940 health workers mula sa mga referral hospitals sa rehiyon.

Ang Region III o Central Luzon ang pumapangalawa sa may malaking alokasyon para sa 11,537 indibiduwal mula sa mga referral hospitals doon.

Ang alokasyon sa mga rehiyon ay ang mga sumusunod: Cordillera Administrative Region- 3,279 health workers; Region I- 7,092; Region II -4,994; Region IV-A – 1,115; Region IV-B- 1,562; Region V- 5,191; Region VI- 8,438; Region VII- 13,923; Region VIII- 3,935; Region IX 3,417; Region X- 7,239; Region XI-  8,004; Region XII- 8,705; at Caraga, 3,044.

Sinimulan ang pagbabakuna sa mga health worker noong Lunes makaraang dumating sa bansa noong Linggo ng hapon ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China sa Filipinas. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “METRO MANILA, MAY PINAKAMALAKING ALOKASYON NG SINOVAC”

  1. 5326 699708 Nice post. I learn something more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice a bit something from their store. Id prefer to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet weblog. Thanks for sharing. 722120

  2. 250808 577055Aw, this was a very good post. In thought I wish to put in writing like this furthermore – taking time and precise effort to make an outstanding article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances appear to get something done. 572258

  3. 138499 276616Fascinating site, i read it but i nonetheless have several questions. shoot me an email and we will speak more becasue i may possibly have an intriguing notion for you. 901331

  4. 141462 423674As a result you will need ultra powerful online enterprise suggestions to keep operating in acquiring into matters appropriate your incredible web-based work. MLM 640198

Leave a Reply

Your email address will not be published.