(Metro Manila mayors nagkasundo) SINEHAN, ARCADE TIGIL-OPS ULIT

Benhur Abalos

NAGKASUNDO ang Metro Manila mayors na muling ipasara ang mga sinehan at arcade kasunod ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, pansamantalang pinasususpinde ng mga local chief executive ng Metro Manila ang operasyon ng mga ito upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa NCR.

Ani Abalos, inihahanda na ang resolution para rito.

Binigyang-diin ni Abalos na napakahalaga ngayon na bumalik sa basic at sumunod sa minimum health protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at social distancing.

Nakaaalarma, aniya, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa loob lamang ng nakalipas na dalawang linggo.

Sa katunayan, ayon sa MMDA chairman, nasa 89% na o halos mapupuno na ang quarantine area sa  Oplan Kalinga ng Department of Tourism (DOT) at MMDA.

Bago pa, aniya, mahuli ang lahat, dapat nang magpatupad ng mas istriktong health protocols sa Metro Manila.

Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinayagan na ang muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang establisimiyento na nag-aalok ng creative, arts, at entertainment activities sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Marso 5.

6 thoughts on “(Metro Manila mayors nagkasundo) SINEHAN, ARCADE TIGIL-OPS ULIT”

Comments are closed.