HINDI babahain ang itatayong Metro Manila Subway dahil may sapat na kaalaman at karanasan ang Japanese firm na kinuha bilang contractor nito, ayon sa Department of Transportation (DOTr)
Sa pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, malaki ang maitutulong ng karanasan, kakayahan at higit sa lahat ng teknolohiyang gamit ng JIM Technology (JIMT) Corporation para siguraduhin na hindi magbabaha sa naturang subway.
Sinabi pa ni Tugade na hindi dapat mag-alala ang publiko kung babahain ang Manila subway station dahil magkaiba ang lokasyon ng Japan at Filipinas.
Paliwanag ng kalihim, bahagi ng plano para sa nasabing proyekto ang soil testing. Dito ay siniguro ng ahensiya na hindi basta bibigay ang lupa sa ibabaw ng subway.
Sa pagtaya ng ahensiya, posibleng pasimulan ang partial operations ng tinaguriang ‘Project of the Century’ sa 2022 at inaasahan na magiging full operational ito matapos ang apat na taon.
Ang 35-kilometer subway project ay inaasahang magbigay serbisyo sa 370,000 pasahero araw-araw kung saan magkakaroon ito ng 17 stations mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at Food Terminal Inc. Complex. VERLIN RUIZ
Comments are closed.