ANG Metro Manila ang nanguna sa listahan ng mga rehiyon at lalawigan sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.
Sa ulat na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, noong Hunyo 25, 2022, ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng 353 bagong kaso ng COVID-19.
Sinundan ito ng Cavite sa Region 4A (Calabarzon) na may 62 cases; Iloilo sa Region VI (Western Visayas) na may 41 at Cebu sa Region 7 (Central Visayas) na may 40.
Ang Batangas sa Region 4A ay mayroong 37 new cases, sumunod ang Rizal na sa Region 4A na may 32 naman habang ang Laguna sa Region 4A rin, ay may 25.
Ang Bulacan at Pampanga naman, na kapwa nasa Region 3 (Central Luzon) ay may tig-15 bagong kaso, habang ang Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 13.
Ang Davao del Sur sa Region 11 (Davao Region) at Nueva Ecija sa Region 3 ay tig-11 habang tig-9 cases naman ang naitala sa Negros Occidental sa Region 6 at Quezon sa Region 4A.
Ang Isabela na nasa Region 2 (Cagayan Valley) at Zamboanga del Sur na nasa Region 9 (Zamboanga Region) ay nakapagtala ng tig-8 kaso.
Ang Pangasinan na nasa Region 1 (Ilocos Region) ay may pitong kaso habang ang Misamis Occidental naman at Misamis Oriental, na kapwa nasa Region X (Northern Mindanao) ay kapwa nakapagtala ng tig-anim na bagong kaso ng sakit.
Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), noong ang bansa ay nakapagtala ng 777 bagong kaso ng COVID-19 cases, sanhi upang umakyat na ang total number ng active cases sa 6,425. EVELYN GARCIA