NAKAHANDA ang Metro Manila mayors sa posibilidad kung ang National Capital Region (NCR) ay isasailalim sa general community quarantine (GCQ) o sa mas maluwag na modified GCQ sa susunod na buwan.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, may data naman na nakikita yung bilang ng pagtaas o pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ani Garcia, sinabi rin ng mga mayor na mahal nila ang ekonomiya at padating na rin naman ang bakuna.
“Ayaw natin ng may surge habang nag-aayos ng bakuna. Kung io-open ng kaunti, gagawing MGCQ, okay rin ‘yan,” diin ni Garcia alinsunod na rin sa pahayag ng Metro Manila mayors.
Gayunpaman, hindi nagkomento si Garcia kaugnay sa quarantine status na inirekomenda ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force para sa NCR.
Tinuran lamang ni Gacria na isa sa ikokonsidera ng Metro Manila mayors ay ang bagong corona virus variant sa paggagawa ng desisyon kung ang Metro Manila ay mananatili sa GCQ o di kaya ang mas maluwag na quarantine status.
Dagdag pa nito, nagsagawa rin ang mga Metro Manila mayor ng konsultasyon sa mga health expert. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.