(Metro Mayors magpupulong) MGCQ SA PEBRERO DEDESISYUNAN

NAKATAKDANG desisyunan ng Metro Manila Council (MMC) sa kanilang pagpupulong ngayong gabi na kung puwede nang isailalim modified general community quarantine (MGCQ) ang Kalakhang Maynila.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez na siyang chairman ng MMC, kinakailangan na makita ang malaki ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bago ito isailalim sa MGCQ.

“Isa po ‘yan sa pag-uusapan po natin sa meeting by tomorrow night. Titingnan po natin ‘yung ating UK variant na ito if it will affect our metropolis at kung ano ‘yung mga prevention natin na gagawin bago tayo mag-MGCQ,” ayon kay Olivarez.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hangang sa Enero 31.

Gayundin, sinabi ni Olivarez na kasama sa pag-uusapan ng MMC ang rekomendasyon sa pagdetermina kung kinakailangan na paluwagin ang age restriction.

Aniya, lahat ng mayor sa Metro Manila ay hindi pa rin pabor na paluwagin ang age restriction lalo na at may panibagong variant ng sakit na kumakalat dito sa Filipinas.

“Halos lahat po kami, hindi po sumasang-ayon in relaxing this age bracket… Despite of that, humingi pa rin po kami ng recommendation, comment, advice ng ating medical expert katulad ng pediatrics, tinatawag na mga consultant at doon po sa kanilang ibinigay di po talaga advisable na ibaba po ‘yung ating age bracket,” pahayag ni Olivarez. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.